Hindi na ako sumagot.

Unang pumasok ang aking parents then brothers, then relatives at abuela. Hindi pa bumubukas ang pinto dahil ako ang huling papasok.

Pagpasok ko sa loob ay mga nakatingin sila sa akin. Tumingin ako sa kanilang lahat. Parang nag-slow mo ako sa paningin nilang lahat. Simple lang ang ngiti ko hanggang sa makarating sa harapan. Naupo ako sa gitna, sa tabi ni Reina at Margaret.

May archbishop sa harapan at halos malula ang mata ko nang makita ang stunning rhinestone tiara na nakalagay sa glass box. Muntik akong masamid! Ang ganda!

Ibang-iba 'to sa pinakita ni abuela!

"We are here for coronation day..." ani ng Pastor. "And also, our Queen's birthday."

Ito na ba 'yon? Patagalin niya sana.

Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko. Halos magulat ako nang makita ang message ni Phoenix.

'Darlene, don't please. I love you. Don't do it, please, mahal.' aniya mula sa message.

Natulala ako.

Biglang nag-palakpakan ang tao kaya nabitiwan ko ang cellphone ko at pumalakpak rin. Tumingin ako sa harap at pasimple rin na ngumiti kahit sobrang kaba ko.

"Before we start our coronation, Queen Serica, may I request to please go here?"

Pumunta naman si Abuela sa harap. Nasa gilid siya ng isang coronation chair. Hala, coronation ang mauuna? Hindi ba pwedeng... kainan muna gano'n?

"Princess Michelle..."

Umurong ang dila ko bigla. Tinulungan akong tumayo ni Darius. Humigpit ang hawak niya sa akin.

"Darlene, he's waiting..." makahulugang bulong ni Darius. "... for you. He hurt you, yes, before you knew or Iris knew, they already stopped. Yes, he's wrong sa parteng hindi niya agad sinabi at kung bakit nila 'yon nagawa, but Darlene, believe me, they already stopped the bet before everyone knew. He told me everything, he explained everything to me, noong panahong umamin na kayo sa isa't isa ng nararamdaman niyo, wala ng pustahan, wala ng larong nagaganap. All his feelings were true, that was what Harris said too."

"Bakit mo 'to sa akin sinasabi ngayon?"

"To make you realize that Nix loves you, Lin, ngayon ko lang nakita si Nix na maging ganito. Do what makes you happy, not everyone makes happy."

Nilingon ko siya pero hindi na ako sumagot.

Naglakad ako papunta sa gitna ng coronation chair. Hinalahad ng archbishop ang kamay para alalayan akong umakyat. Humarap ako sa mga tao at ang daming nanonood! Namataan ko sina Mama.

They are so nervous.

May lumapit sa akin na isang archbishop. Ibinigay niya ang sovereign at rod sa kamay ko. Nanginginig pa ang kamay ko nang hawakan ko 'yon.

Kinagat ko ang ibabang labi bago napabuntong hininga ng mahina. Nag-angat ako ng tingin sa kanilang lahat. Tumingin pa ako kay Mama, hindi ko mabasa ang nasa mata niya pero sa nakikita kong reaction niya... halatang gusto niya akong makaalis dito.

Lumipat ang tingin ko kay Papa. Gano'n rin ang nakikita kong reaction... na para bang gusto niya akong makalaya sa sitwasyon ko ngayon. Sa sitwasyon na maupo bilang Reyna para sumunod sa yapak ng Lola ko.

Inalis ng babae ang tiara ko bago kunin ang rhinestone tiara sa glass. Natigil lang ako sa pagkamangha nang maramdaman ang korona sa ibabaw ng ulo ko.

"Will you solemnly promise and swear to govern the Peoples of Spain, your Possessions and the other Territories to any of them belonging or pertaining, according to their respective laws and customs?" Nakatingin sa akin ang Archbishop.

The Girl in Worst Section (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن