"Bwisit ka." Nilayo ko ang mukha ko. "Lumayas ka na at alisin mo ang tali sa kamay at paa ko para makauwi na ako! Ipapadala kita sa impyerno! Phoenix, huwag mong sinasagad ang pasensya ko. Iyong pasensya ko konting-konti na lang talaga kaya huwag na huwag mo akong sinusubukan."

"Ayokong ngang pakawalan ka," sabi niya. Nang-aasar lang siya, eh!

"Pakawalan mo ako! Hinahanap ako ni Mama at Papa! Pati na si Darius!" Basta-basta na lang ako nawala doon!

"Darius knows where you are right now," mapang-asar siyang tumingin sa akin. "Who gave you water again?"

Sumagi sa isip ko ang bottle water na binigay ni Darius! Kaya pala nagmamadali na painumin sa akin ang tubig?! May nilagay nga ang hayop!

"Walang hiya!"

"Darius put medicine on that water kaya ka nawalan ng malay para mapunta ka sa akin. I thanked your brother a lot for doing that. He was here earlier but he left before you woke up."

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "Mga walang hiya! Pati si Darius?! Yari sa akin 'yon!" Hindi makapaniwala na sabi ko. "Pakawalan mo ako rito!"

Napakagago nga naman ni Darius. Ka-kunchaba ang bwisit na 'to?!

"Hinding-hindi kita papansinin kapag ako nakaalis rito. Sasagutin ko ang nanliligaw sa akin ngayon."

"No one is courting you, Darlene. I asked your cousins and they said, no one's courting you."

"Tangina, tigilan mo na ako!" Sigaw ko.

"This is my plan. My plan was to kidnap you. You want to know who's with me when I do this?" tanong niya. "It's your brother Darius. Your cousin Cedric and Henry. Ayaw mo akong pansinin and I know you said 'no' once I asked you to be with me."

"Kaya ka nangidnap ng tao! Ang sama mo! Kidnapper ka! Papakawalan mo ako dito." Masama ang tingin ko sa kaniya. "Isa... dalawa- kapag umabot ng tatlo, hinding-hindi ka matutuwa sa gagawin ko," seryoso ang boses ko.

Tumayo siya ng maayos. "Okay, I'll do what you want," aniya. "I'll untie you now." Pumunta siya sa likod ko at naramdaman ko namang inalis niya ang tali. Hinawakan ko ang isang palapulsuhan ko, namumula tuloy.

Kidnapper ang hayop.

"Uuwi na ako." tumayo agad ako. "Kidnapper ka! Kakasuhan kita ng kidnapping!" Dinuro ko siya. "Let's see each other in court!"

"Okay, let's see each other in the court, baby," natural lang ang boses niya at walang halong pang-aasar. "Make sure you have a better Lawyer, baby, or else, ikaw ang makukulong sa akin."

"Letche!"

Nakita ko ang purse ko sa lamesa kaya agad kong dinampot. Nilingon ko pa siya. "Uuwi na ako!"

Naglakad ako papalayo papunta sa main door. Diretso lang ang lakad ko hanggang makarating sa gate.

Nang makalabas agad rin akong napatigil. Wala akong makitang sasakyan sa buong lugar at tama nga siya... walang kapitbahay ang bahay na 'to! Ni wala akong makita na sasakyan. Iniinis talaga ako ng lalaking 'to! Sinigurado niya talagang hindi ako makakauwi, ha! Gusto ko ng umuwi.

Bumalik ako at nakita ko siyang nakaupo na sa pang-isahang sofa. Nakapatong ang isang paa sa tuhod. Inalis niya ang first two buttons ng polo bago mag-angat ng tingin sa akin. Inaasahan na niyang babalik ako.

"Hey, babe, why did you back? I thought you were going home?" Lumabas ang mapaglarong ngisi sa labi niya. Nakatitig na siya sa akin.

"Wala akong sasakyan! Hindi ko alam kung paano umuwi, ni hindi ko nga alam ang lugar na 'to kaya paano ako uuwi?" Iyong inis ko.... sobra-sobra na.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now