Magandang-maganda talaga ako.

"For sure... if they saw you? They will be amused by your beauty." Hindi pa siya tapos sa mga compliment niya. "You have a perfect body. Big chest of course and has curves."

Malaki ba talaga? Lagi kasi nilang napapansin ang harap ko. Gusto niyo bang bigyan ko kayo? Sa mga flat chested d'yan... gusto niyo ng big chest? Donate-tan ko kayo.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa kama. At alam niyo ba? Panay ang pangungulit ni Laureen kesyo bakit raw nasa akin ang credit card ni Phoenix? At iyong wallet niya! Kasalanan ko bang nakalimutan ko? Bakit kasi nasa akin pa?

Paano na 'to ngayon? Panigurado na maghahanap 'yon. Tapos isa pang problema... iyong susi ng kotse at condo niya nasa akin rin. Tangina naman! Wala na yatang spare key sa receptionist. Kinuha kasi namin dalawa tapos ako palagi naghahawak kaya ayan problemado ako ngayon.

Ang dami-dami pwedeng kalimutan, ito pa. Paano na siya papasok sa condo niya. Hays, bahala na siya sa life niya. Nasanay naman siya na mag spiderman sa pader.

"Let's go downstairs," yaya ni Reina.

Bumaba kami katulad ng sinabi niya. Tumataas ang laylayan ng dress ko kaya kailangan ko pang hawakan. Pinauna ko na si Reina sa baba dahil may tumawag pa sa cellphone ko na unknown number.

"[Babe, bring my card and keys back.]" Natigil ako nang marinig ang boses ni Phoenix sa kabilang linya.

Ito na nga ba ang sinasabi ko!

"Kunin mo kung gusto mo," hinaluan ko ng pag-kainis ang boses ko kahit hindi ako inis. "Saka, huwag mo akong tawagin 'babe' hindi na kita boyfriend."

"[I'll call you whatever I want, Darlene, we are not over. And about what you said that I want to get it... fine. I will.]" Biglang namatay ang tawag kaya nataranta agad ako.

Hindi siya pwedeng pumunta rito! Epal ba siya?! Hala! Wrong move, Darlene, wrong move! Saka anong 'we are not over'? Gago 'yon, ha?! Hiwalay na kaming dalawa!

Pero gulat at taranta lang ang nararamdaman ko ngayon. Habang pababa ako gano'n ang itsura ko! Jusmiyo, ano ba itong sinabi ko? Kunin niya kung gusto niya?

"Wrong move... Isa kang malaking shunga, Darlene," mahinang sabi ko at nag-angat ng tingin.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang mga tao sa baba at mga nakatingin rin sa akin. Iyong tingin nila ay parang hindi makapaniwala na nandito nga ako sa harap nila.

"She's your daughter?" dinig kong tanong ng isang babae na nakasuot ng black dress.

"Yeah, she is," ngisi ni Mama. "How beautiful of her, hmm?"

Hala, nakakahiya! Nakita nilang nagsasalita akong mag-isa! Baka isipin nilang baliw ako. Iniwas ko ang mukha ko at naglakad pababa.

Ang iba naman ng atmosphere dito. Halatang mayayaman. Duchess ba naman ang nandito? Iba talaga ang atmosphere.

Blue mulberry coat dress ang suot ni Mama, partner ang navy blue pumps heels. Ito namang brothers and father ko naka suit. Si Ate Anya, naka-pink casual ruffle dress at white strap flat sandals.

"Darlene, what happened to you?" Tanong ni Darius.

Tumikhim ako. "Wala," umiling ako.

Nilapitan ako ni Mama. "You're so beautiful."

"Hashtag, ako lang 'to," ngumisi ako.

Napailing siya. "Nothing changed."

"Still beautiful," mas lalo akong ngumisi.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now