“Darlene, where have you been last night?” Hindi pa rin maka move-on si Darius sa topic kanina.

“Sa condo ni Phoenix.”

“For what?” tanong niya na naman.

Ang dami niya sigurong tanong sa utak?

“Para pag-hintayin,” sagot ko. “Alis na kami.” Pumasok na ako sa loob ng kotse. Nauna akong lumabas at sumunod naman ang kotse ni Darius.

Magkaiba kami ng direction ni Darius, balak pa niyang sumunod kung hindi lang ako sumigaw. Sa isang private school nag-aaral si Amir, ang yaman nga, e.

“Tita, Tito Nix texted you.” Hawak-hawak niya ang cellphone ko. “He said, ‘I’m here at your house. Your father told me that you left already. Where are you?’ and he also texted ‘I love you so much’.”

Naiinis pa rin ako sa kaniya. “Hayaan mo na muna.”

“Tita, he’s calling.” Binigay niya sa akin ang cellphone. “Bakit may demon emoji sa pangalan ni Tito Nix?”

Kinuha ko ang cellphone at hindi sinagot ang tawag.

“Design ‘yon,” Tumunog ulit ang cellphone kaya pinatay ko. Paulit-ulit lang ang ginagawa namin kaya sinagot ko na. “Ano ba? Nagda-drive ako,” bungad ko.

“[Why didn’t you wait for me? I was waiting for you.]”

“Nakakasawang maghintay kung alam mo lang.”

“[Baby, I know you waited for me... I’m sorry.]”

“Huwag mo ako kausapin,” sabi ko at pinatay ang tawag.

“Tita, magkaaway kayo ni Tito?”

“Hindi, ha. Ano lang ‘yon... gano’n kami magmahalan dalawa,” ngumiti pa ako.

Wala ng parking kaya nasa malayo ako, lalakadin pa namin makarating lang sa School niya. Mostly mayayaman ang narito. Bumaba ako para pagbuksan ng pinto si Amir, kinuha ko rin ang bag niya.

“Tita, your skirt is too high,” puna ni Amir. “If Tito Phoenix is here for sure, he wouldn’t let you wear that.”

“Hindi rin, Amir. Mas pabor sa kaniya ang ganito, lakas makahaplos, e.”

“What po?” tanong niya.

“Wala, halika na.” Hinawakan ko siya sa palapulsuhan para ihatid sa loob.

“Amir!” sabay pa kaming lumingon ni Amir sa sumigaw.

May batang babae na lumapit sa amin. Malaki ang ngiti niya nang tumingin kay Amir. Tumingin ako kay Amir agad naman nagbago ang timpla ng mukha niya.

“Tita, let’s go...” Hinigit ako ni Amir pero hinila ko siya.

“Siya ba ang Tita mo?” tanong ng batang babae. “Hi...” bati niya sa akin.

“Hi.” Bati ko pabalik at ngumiti. “Yes, ako ang Tita niya. Ikaw si...?”

“Liliena po,” sagot niya.

“Ay, hindi ikaw si Chelsea?”

Umiling siya. “Hindi po ako ‘yon. Siya pa ‘yon.” May tinuro siya sa gilid namin kaya agad akong nilingon.

Mas maganda pa rin Liliena. Halatang mataray ang Chelsea.

“Tita, tara na,” nagpumilit si Amir na umalis.

“Batiin mo naman siya, Amir,” utos ko.

“Ayoko,” tanggi ng pamangkin ko.

Natahimik naman si Liliena bago mag-iwas ng tingin. “Sige po... Sa inyo na lang po ‘to.” Binigay niya ako ng chocolate. “Mauna na po ako para hindi po magmadali si Amir. See you around po!” Nauna siyang pumasok sa main gate ng School.

The Girl in Worst Section (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें