Hindi naman ako magtatagal doon. Isang buwan lang. Babalik din naman kami kaagad. Hindi naman ako titira doon para magpaalam pa.

Sumakay na ako sa kotse para makauwi na sa bahay. Wala namang traffic sa daan kaya nakauwi rin ako kaagad.

"Kung saan-saan ka pumupunta," sinangga ko ang kamay ni Darius nang balak niya akong batukan.

"Epal ka."

"Nye..." Umirap siya.

Tinawanan ko lang siya sa itsura niya bago umakyat sa kwarto ko. Nagsuot lang ako ng simpleng damit bago bumaba dala-dala ang luggage ko. Iyong damit ko simple lang. Hindi naman kasi ako rarampa.

"Ngayon na talaga tayo aalis? No joke?" Tanong ko kay Mama na sinusuot ang white cardigan jacket niya.

Lumalamon kami ni Darius habang pinapanood si Mama.

"Tirhan mo naman ako, kapatid." Pinitik ko ang kamay ni Darius.

"I'm not joking, Darlene," sagot ni Mama sa tanong ko kanina.

Hindi nga siya nagjo-joke dahil nang dumating si Alexis kaagad kaming umalis. Siya raw muna kasi ang magbabantay nitong bahay habang wala kaming lahat bukod sa mga helper.

Kumuha pa muna ako ng pagkain sa pantry para naman hindi ako magutom kaso wala rin akong nakain dahil inagaw ni Darius.

Ang takaw talaga nito!

Pumunta kami sa airport para makarating na sa aming destinasyon.

Akala ko pa naman mararanasan ko nang makasakay ulit sa isang private plane! Hindi pala. Kaya pala ako may passport dahil sa airport ang punta namin. Hay, gusto ko talagang ma-try ang private plane namin.

Boarding na nang makarating kami sa airport kaya dumiretso kaagad kami doon matapos sa counter para mag-check in. Muntik pa kaming mahuli dahil sa akin kaya halos puro salita si Darius sa akin.

Pucha, daig pa babae! Ang daldal ba naman?! Pero minsan naiisip ko rin 'yong babae sa mall. Iyong... Latasha. Para kasing pamilyar siya sa akin.

"Hoy, Darius. May babae ka bang dinate noon?" Tanong ko habang nagkakalkal ng pictures sa cellphone ko.

"Nothing, why?"

Umiling ako. "Wala naman.... pero may nakilala akong babae sa mall."

Dumiretso ang tingin niya sa akin. "Who?"

"Latasha ang name niya. Tapos alam mo... same kami ng bracelet. Ka-happy nga, e."

Nakatingin lang siya sa akin bago binaba ang tingin sa cellphone dahil may nagtext. Tinaob niya ang cellphone nang balak kong tumingin.

Naupo ako sa luggage habang nag-aayos ng buhok. Napatingin ako kay Darius nang makitang nakatutok sa akin ang camera ng cellphone niya.

"Ano ba? Bakit ka ba kumukuha ng picture?"

"Huh? No... I wasn't..." tanggi niya.

"I wasn't daw..." tumingin ako sa kaniya. "Baka binebenta mo na ako sa internet, ha?! Ingungudngod kita sa cellphone mo."

"I was just sending a picture of you to..." natigil siya. "Wala pala."

Dinuro ko siya. "Umayos ka."

Hindi naman siya nagsalita at tumingin sa cellphone. Sinilip ko pa 'yon at nakita kong may pinagsendan siya ng picture ko.

"Walanghiya naman, Darius!" Nilayo niya ang cellphone nang balak kong kunin.

Mas lalo siyang lumayo papunta kay Mama. Masama ang tingin ko sa kaniya bago manahimik.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now