Nahiga ako sa back seat habang ang dalawang paa ko ay nakapatong sa salamin ng bintana. Isang sipa ko lang rito, basag 'to.

"Velasquez, mukha kang appetite." Nawawalan na ako ng gagawin.

"What's your joke this time, huh?"

"Basta, mukha appetite but appe-" Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko.

"I read that joke on the Internet, baby. Stop it." Ampucha, alam pala niya, sayang.

Tinawanan ko siya. "Ito na lang... akala ko sa ihi lang ako kikiligin."

"What the heck? Stop your banat, Miranda."

"Sa-urine pala." Ako lang natuwa sa sarili kong banat.

"Sometimes, I really want to shut your lips using mine. Do you want to?"

"Uhm, sige," sagot ko at hininto naman niya ang sasakyan. "Gago, joke lang. Mumukbangin mo naman ang labi ko."

"Don't worry, next time hindi na ang labi mo ang mumukbangin ko," aniya. "The next one is different but it also part of you."

Nagunot naman ang noo ko sa sinabi niya, putangina, naintindihan ko 'yon, ha! Nawawala na ang inosente kong utak dahil sa kaniya! Hala! Kasalanan 'to ni Phoenix! Kung ano-ano kasi ang tinuturo niya sa akin!

Bumangon ako at diretsong tumingin sa kaniya. "Velasquez, da-duct tape-an ko ang bibig mo." Pinanliitan ko siya ng mata.

"I was expecting that you won't get it..." aniya at natawa.

"Pakyu." Nagtaas ako ng middle finger.

"Raising your middle finger makes you hotter and hotter."

"Sure kang ako? Baka 'yong iba diyan." Napatigil naman siya sa sinabi ko, kusang bumaba ang paningin niya sa kung saan.

"I shouldn't have spoken." Tinuon niya ang paningin sa daan.

Hindi na ako nagsalita pero diretso lang ang tingin ko sa kaniya. Panay naman ang iwas niya ng paningin sa akin, arte naman nito.

Pinapanood ko lang ang ginagawa niya tapos todo iwas naman ang lalaking 'to!

"Bakit ka ba iwas nang iwas ng tingin?"

"Shut up," pikon na sabi niya.

Wala naman akong ginagawa, huh? Bakit siya napipikon?

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko ulit.

"Of course."

"O baka naman 'yong iba ang hindi okay? Mainit na ba sobra?" bigla siyang napapreno kaya kamuntikan na akong masubsob. "Akala ko ba 'ayos' ka lang?"

"I said, I'm fine!" May halo ng inis ang boses niya.

"Pikon mo," natatawang sabi ko. "Tinatanong ko lang naman kung sobrang init ka na ba kasi ako kanina pa init na init rito. Ang hina ng aircon, o! Lakasan mo naman, tipid na tipid ka naman masyado."

Nilakasan niya ang aircon, sobrang todo siguro ng aircon. Lumamig kaagad ng sobra.

"Bal, kaya mo-"

"Miranda, stop talking for awhile. I need to relax myself." Lagi niya na lang akong hindi pinapatapos sa pagsasalita.

Hindi na ako nagsalita dahil kapag ginawa ko sure akong wala na akong takas! Lakas pa naman manggago nito minsan, nawawalan talaga ako ng paraan para makawala.

Naghahagis na rin ako minsan ng kaldero kapag naiinis na ako sa kaniya. Isama mo na ang lampshade na lagi kong nadadampot kapag nang-aasar siya.

Tumigil na ang sasakyan matapos ang ilang minuto, nasa isang magandang gusali kami parang isang bar ang lugar na 'to. Binaba ko nang konti ang salamin ng kotse para makita ng buo ang nasa gilid namin. Ang pangalan ng lugar ay 'Astros'. Angas may pa-gano'n pa, ibang klase rin ang mga 'yon, ha?

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now