"Desisyon naman 'yon ng magulang ko at ng magulang niya. May kasunduan kasi kami ni Mama, magagawa ko ang lahat ng gusto ko basta papakasalan ko iyong anak ng kaibigan niya, noong una ayaw ko pa nga, e, kaso noong nakita ko si Ivy parang agad-agad gusto ko na siyang pakasalan."

"Hindi halatang na-love at first sight ka," mahina akong natawa.

"Ang ganda kaya niya sobra." Halos i-adore na niya si Ivy.

"Edi ipakita mo, huwag lang kasi puro sabi. Ipakita mo na kaya mo para maniwala sila, gusto lang naman kasi nilang maging maayos ang anak nila kaya gano'n. Nagdesisyon sila bigla kasi gusto nilang safe ang anak nila," sambit ko. "Kung ako rin siguro may anak na gano'n, ganiyan din gagawin ko."

"Bakit buntis ka?" Tanong niya. "Galing talaga ni Nix. Nakapoints agad."

Aba, gago 'to!

"Ninong ako, ha?" Dagdag niya.

"Gago ka ba? Hindi 'no. Sampalin kaya kita." Inangat ko ang palad ko. "Gusto mo?" Umiling naman siya kaagad pero tumatawa-tawa pa.

Hindi ba porket may boyfriend ako, e, buntis na kaagad ako?!

"Joke lang," aniya.

Tarantado talaga 'tong mga 'to, e. Napailing nalang ako. May sinabi pa ako sa kaniya bago tuluyan pumasok sa classroom.

Wala pa rito si Phoenix kaya walang taga-haplos ng buhok ko. Sinuklay ko na lang ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

"Hi, Darlene." Naupo sa tabi ko si Arvin.

"Ano?"

"Sungit naman ni bebe girl." Tumawa siya nang makita ang mukha ko. "Gusto ko lang mag-thank you dahil kung hindi mo ginawa na isama ni Amora, hays, baka nag-iinarte pa din ako ngayon," natawa siya.

"Wait, ano ang status niyo?"

"Nahihiya ako!" Para siyang bulate na binudburan ng asin.

"Ano ba! Dali na! Sabihin mo na!"

"In a relationship." Parang kinilig pa ang gago. "Ih, ano ba!" Hinampas ako ng ugok na 'to.

"Aray ko, tangina." Hinawakan ko ang braso ko dahil sa hampas niya. "Sakit, ha!"

Gago, e, daig pa babae sa paghampas. Pareho sila ni Harvey! Kikiligin at tatawa na lang kailangan mang-hahampas pa.

"Sorry naman," aniya. "Thank you talaga Darlene pero sana... kapag dumating na 'yong araw na 'yon sana... sana mapatawad mo ako-kaming lahat..."

Napalingon ako sa kaniya dahil sa huli niyang sinabi.

Mapatawad saan?

"Huh?" Tanong ko, naguguluhan.

Hindi kaagad siya nakasagot.

"Uh... advanced sorry para sa 'yo," sagot niya sa mababang boses. "Kasi... baka kapag... alam mo na... iyong..."

"Ano?" Tanong ko ulit.

"Cervantes!" Sigaw ni Finn.

"Advanced sorry para saan?" Tanong ko at lahat sila napatingin sa akin. "Sorry ka nang sorry, ni hindi ko nga alam kung saan ka nagso-sorry."

Hindi naman sila nakapagsalita. Napaiwas ng tingin ang iba.

"Sorry nga saan?"

"Basta... huwag mo na lang isipin 'yon." Tumayo siya. "Thank you na lang ulit."

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapunta siya kina Finn na nakatingin rin pala sa akin. Tinuon ko ang paningin sa kamay kong nakapatong sa arm chair.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now