“I called Lala to send a girl stuff here,” aniya. “Look in our room, baka nandoon.”

Tumayo ako para makita ang sinasabi niya. Ayaw niya pa akong bitiwan kaya tinayo ko rin siya, hanggang sa makarating ako sa kwarto ay nakahawak siya sa kamay ko.

Parang may nakahawak sa aking bata. Para niya akong nanay, jusmiyo. Nakayuko siya, nakapatong ang noo niya sa balikat ko at doon natutulog.

May nakita akong tatlong paper bag sa may sofa kaya ‘yon ang kinuha ko. Sinilip ko ang lahat ng laman no’n.

“Bakit naman puro swimsuit ‘to?” Tukoy ko sa isang paper bag.

Nagmulat siya ng mata at maayos na tumayo, kusang dumiretso ang mata niya sa mga hawak ko.

“I don’t know. I told her to buy a dress for you, she didn’t buy a dress?” Kinalkal niya ang dalawang paper bag para maghanap Kinuha niya ang isang paper bag nang walang makita. “Oh, here.” May binigay siyang knee-length pink dress.

May pagka-elegante ang damit na ‘yon, mukhang pang-formal ang style.

“Okay na ‘to.” Pinatong ko sa kama ang dress. “Magluto ka habang nagsi-swimming ako sa dagat.”

“What? I don’t know how to cook… just a few.”

“Kaya mo ‘yan! Paano mo ako ipagluluto kung hindi ka marunong?” Tumingin ako sa kaniya.

“Hindi ko alam na kailangan ko pa palang pagsilbihan ang asawa ko,” aniya bago salubungin ang tingin ko. “But, okay, I’ll cook for my wife. What food do you want to eat?”

Wife pa nga.

“Kahit ano na lang ang makita mo d’yan—may stock ba ng pagkain dito?”

Tumango siya. “Of course.” Lumapit siya sa akin. “If you want to wear some swimsuit, it’s alright. It’s not my right to stop you.” Dinampian niya ng halik ang leeg ko.

“Okay lang, hindi naman ako magsusuot ng ganoon. Maliligo ako ng ganito ang suot.”

Hindi ko kayang magsuot ng swimsuit kasi hindi naman ako sanay. Pero kapag trip kong maging makapal ang mukha, susuotin ko.

Lumabas kaming dalawa sa kwarto, ako ay dumiretso sa labas at siya naman ay sa kitchen para magluto ng pagkain.

Ayoko ko kasing mangialam doon, tutal wala naman akong mailuluto. Ang kaya ko lang lutuin ay pancit canton, pritong hotdog, at itlog tapos ginawa ko pang lucky me beef ang canton.

Dumiretso na ako sa beach, dala-dala ang cellphone ko. May mga tao na sa beach at ang iba ay napapatingin sa akin tuwing naglalakad ako. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin at dumiretso kung nasaan kami kagabi.

Nandito pa rin ang mga candle, may mga petals pa rin ng bulaklak.May nakita akong basket na gawa sa kahoy kaya kinuha ko. Dinampot ko lahat ng petals at nilagay sa basket. Naglakad ako sa loob ng cabana para kunin doon ang iba.

Mabango ang petals, sarap singhutin.

Iyong red rose na bigay niya sa akin kagabi, nakatabi sa bag ko. Hindi ko ‘yon iniwan dito baka malipad tapos umuulan pa.

Pumitas din ako ng isang bulaklak na nakalagay sa tela ng cabana para ilagay sa tainga ko.

Para akong babaeng nasa isang fairytale namimitas ng bulaklak habang may bitbit na basket. Naglakad naman ako malapit sa tubig.

“Aray.” Mahinang daing ko nang may maapakan. “Hala, ang cute!” Lumuhod ako para makita ang mga baby turtles.

Ang dami nila! Mga nasa walong baby turtle sila! Ang bad ko! Naapakan ko ang bahay nila.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now