"Ma'am, sino po sa kanila ang boyfriend niyo?" Tanong ni ateng sales lady.

"Ah, 'yong may hawak na bag," sagot ko.

Hawak-hawak kasi ni Phoenix ang bag ko kahit kaya ko namang hawakan, kinuha niya. Tumitingin siya ng mga kung ano-ano.

"Pogi, ma'am."

"Alam ko..." Sagot ko. "Akin lang 'yan."

Tumingin naman ako sa magazine rito habang hinihintay silang lahat.

Nalingat lang ang mata ko nagpunta na sila sa girl's section, akala mo naman ay nagsusuot ng mga gano'n. Kaya doon din ako pumunta para puntahan sila.

"Size 24 ang waist ng girlfriend ko. Mayroon ba kayong high waisted denim short? 'Yon kasi ang utos niya sa akin," sambit ni Harris. "Bilhin ko raw 'yon."

"Sa akin ito..." May pinakita si Dash sa cellphone. "Anong klaseng dress ba 'yan? Hindi ko maintindihan."

"Eh, 'yong croptop ba 'yon? Mayroon ba kayo no'n?" tanong rin ni Rafael.

"Mayroon po kami lahat niyan, mga sir," sagot ng sales lady. "Kayo po ba? May bibilhin po ba kayo para sa mga girlfriend niyo?" Nilingon niya ang iba.

"Wala siyang girlfriend." Tinuro ni Finn si Arvin.

"Pasmado bibig mo!"

Natawa 'yong sales lady. "Kayo po, sir?"

"Nah," sagot ni Phoenix na nasa likod ko. "She has a lot of clothes." Lagi niya akong binibili, e.

Nang matapos sila, nag-bayad na. Pumunta rin kami sa watsons dahil may bibilhin pa si Harris para sa girlfriend niya.

"Darlene, nag-gaganito ka?" Tinuro ni Finn ang sleeping mask.

Umiling ako. "Hindi, nalalaglag kapag natutulog ako, e." Tumango naman siya sa sagot ko.

"Alam mo bang dito namin binili ang pads mo?" Sambit ni Dice habang inaalala ang pangyayaring iyon. "Jusme, with or without wings!"

"Kabobo," dagdag ni Gael.

Natawa ako. Nasa tabi kami ng cashier, dito namin hinihintay si Harris na matapos sa ginagawa niyang pagbili ng clay face mask. Tumabi ako sa gilid nang may babaeng bibili or more on magtatanong yata.

"Tara na lang sa labas!" Nauna sina Finn sa labas.

"Miss, mayroon kayong... 'yong alam mo na." Tumikhim 'yong babae.

Parang hindi niya matuloy ang sasabihin niya, namumula din ang mukha ng babae. Tiningnan ko siya at halatang nahihiya siyang sabihin.

"Let's go outside, baby..." Hinila ako palabas ni Phoenix.

"Huh? Bakit?" Tanong ko. "Hindi pa tapos si Harris. Dito na lang muna tayo."

Iniwas niya ang tingin ko doon sa babae gamit ang palad niya. Hinila pa niya ako lalo palapit sa kaniya.

"Dito na lang tayo." Hinila ko siya pabalik. "Mas malamig rito." Ang lakas ng aircon dito kumpara sa labas.

"I'll treat you an ice cream."

"Hindi ako uto-uto!" sabi ko habang ako na mismo ang humila sa kaniya palabas. "Baby, gusto ko ng strawberry at vanilla. Ayoko ng naka-cone, matatapon 'yon kasi natutunaw. Gusto ko 'yong nasa cup. Ayon, oh." Tinuro ko kung nasaan ang iba. "O kaya ube with cheese, pwede rin mango flavor, huwag lang chocolate kasi mabilis akong maumay kapag chocolate."

"Hindi pala uto-uto, ah?"

"Masarap ang ice cream," napanguso ko. "'Lika na, para makauwi na ako."

"What? I thought you were gonna sleep in my condo," sumimangot siya.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now