Pero totoo miss na namin siya!

"Gusto ko nang humingi ng sorry..." si Harvey.

"Kami rin kaya..." sagot ng mga kaklase niya.

Bakit naman kasi kailangan pang gawin 'yon?

Tinuon ko ang paningin sa harap.

Dumating ang teacher kaya sinabi na niya ang kailangan naming gawin para matapos ang requirements naming lahat. Magkakaroon ng grand ball pero sa isang Hotel siya gagawin dahil marami ngang estudyante. Pangalawa, ang exam week naming lahat. Marami pa siyang sinabi kaso hindi ko masyadong maintindihan dahil sa ingay ng mga katabi ko.

"P're, anong sabi ng pagong kay-." Tinakpan ko ang tenga ko para hindi marinig ang mga kwento nila JP at Andrei sa magkabilang gilid ko.

Nang matapos ang mga sinabi ng mga Teacher sa harap, pinabalik na niya kami sa mga room namin kaso nanatili muna kaming lahat dito. Kami-kami lang, 'yong ibang students bumalik na.

Humikab ako at sumandal sa kinauupuan ko.

"Aray, putangina, ang sakit." Napalingon kaming lahat sa nagsalita.

Shit, si Darlene nandito na. Nagulat rin sila Finn sa nakita at napatayo pa. Hindi lang nila magawang lumapit dahil akala nila itataboy sila. Napatingin ako kay Phoenix, gulat rin siya na makita si Darlene.

Hindi niya siguro ine-expect 'to... Gulat, e.

"Tss... ang tanga mo kasi. Sinabi ko ng basa 'yong daan, inapakan mo pa." Pucha, pati si Darius nandito rin.

"Mas tanga ka, alam mo nang aapak ako doon. Hindi mo pa ako pinigilan," sagot ni Darlene kay Darius. "Putang ina. Putang ina. Ay, Darius, alam mo 'yong kantang pu-" sinalampakan ni Darius ng papel ang bibig ni Darlene.

Namiss ko ang pagmumura niya.

"Kadiri ka naman! Mamaya sa daan mo pa kinuha 'yan! Sandali, edi kasalanan mo pala."

"Oh, so it's my fault now, huh? Tinulungan na nga kita."

"Oh, talaga ba? Share mo lang? Ay teka... linya 'yon ni Bobby at Teddy sa Four Sisters and a Wedding, huh? Iyong sa phone call! Ikaw, ha! Iyo Nanonood ka no'n, ano? Ayan, Darius. Umiyak ka ba sa part na sinabi ni Teddy na 'I'm sorry, Ma...'" Natawa pa si Darlene dahil ginaya niya ang napanood niya.

"Ano ba? Tigilan mo na nga ako. And hindi ako makapaniwala na isa kang Prinsesa... yuck," nandidiri na tumingin si Darius kay Darlene.

"Grabe ka sa akin!" Lumayo si Darlene kay Darius kaya tumawa si Darius.

Hanggang sa makarating sila kung nasaan kami nagbabangayan silang dalawa. Nag-angat ng tingin si Darlene sa amin.

"Ano ba namang mga mukha 'yan. Gulat ba kayong nandito na ang magandang katulad ko." Tanong niya at hinawi ang buhok. "Ano ba kayo? Natural lang na magulat kayo, sa ganda ko ba naman? Tingnan niyo nga."

Nag-iba siya ng kulay ng buhok. Kulay asul at bagay sa kaniya. Ang ganda niya nga lalo. Nakapony ng half ang buhok at nakagilid ang bangs.

"Darlene, sinabihan ka lang na palagi kang maganda sa Spain, pinangatawanan mo na," sabat ni Darius. "Hindi ka maganda."

"Ulol, palibhasa hindi ka sinabihan na gwapo kaya ka ganiyan. Kawawa ka naman," irap ni Darlene. "Bawi ka na lang sa next life mo."

Umirap na lang si Darius dahil walang masabi. Natatawa na lang si Laureen sa kanilang dalawa.

"Darlene, I missed you!" Akmang yayakap si Laureen nang iharang ni Darlene ang dalawang palad niya.

"Hindi kita namimiss," sabi ni Darlene.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now