"Hindi ka tinuruan ng Mama mo?"

"No," pag-amin niya.

Anak mayaman nga ang isang 'to. Hindi marunong bumili sa palengke, mas madali nga doon kasi makakatawad ka.

"Edi sa mini mart na lang d'yan sa baba."

"Okay. Okay. What I'm gonna buy?" Tanong niya.

"Ano bang masarap?"

"Labi mo," sagot niya kaagad.

Dinampot ko ang lampshade sa tabi ko. "Gusto mong lumipad 'to sa 'yo?" Inangat ko ang lampshade.

Tumawa siya. "I was just kidding."

Napailing na lang ako bago kumuha ng papel at ballpen sa bag. "Ito bibilhin mo." Sinulat ko sa papel lahat ng kailangan niyang bilhin para hindi niya makalimutan. "Oh, ayan." Binigay ko ang papel sa kaniya.

"What's this?"

"Ayan ang bibilhin mo. Madali lang naman manood sa Youtube kung paano magluto kaya bilisan mo na," sagot ko.

"Hindi ka talaga sasama?"

"Sumasakit ang puson ko." Masakit talaga ang puson ko.

Tumango naman siya. "I'll be back, Miranda. Huwag ka na lang gumalaw nang gumalaw para hindi sumakit. I'll be back, okay?" Hinalikan niya ang noo ko bago dumiretso sa pinto at lumabas.

Sinundan ko siya ng tingin bago tumayo. Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko sa bag at sinagot.

"[Where are you?]" Si Darius.

"Safe ako, kapatid. Huwag kang mag-alala."

"[Nasaan ka nga?]" Ulit niya.

"Sa condo," sagot ko.

"[Huh? Kaninong condo 'yan?]"

"Kay Phoenix," sagot ko.

"[Are you with him right now?]"

"Bumili siya sa baba kaya ako lang mag-isa rito."

"[Iniwan ka niyang mag-isa diyan? Hindi ba niya alam na may sumusunod-sunod at panay ang text nang text sa 'yo?]" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Alam niyang mag nagte-text sa akin? "Paano mo nalaman?"

"[I saw your phone, Darlene. Naiwan mong nakabukas ang cellphone mo kagabi noong nakatulog ka. Someone texted you and that fucker scared you!]"

Nakita niya pala. Bakit kasi hindi namamatay ang cellphone ko matapos ang two minutes?

"Hindi naman siya nakakatakot," sabi ko kahit natatakot talaga ako kahapon ng gabi.

"[Tss. Anyway, stay in his condo. Huwag kang aalis mag-isa. If you are going home, text me so I can fetch you. And Kuya, Ate Anya and Amir will stay in our house.]"

"Uuwi rin naman ako. Ite-text na lang kita o magpapahatid ako pauwi. Bye!"

"[Okay, take care.]"

"Okay, lab you. Muaps."

"[Alright, lab you more, muaps too.]" natawa pa siya kaya natawa rin ako.

Pinatong ko ang cellphone sa lamesa matapos ma-end ang tawag.

Alam pala ni Darius na may ganoong nag-text sa akin. Alam niya kaya kung sino 'yon? Sana, oo, para kapag tinanong ko siya may isasagot siya.

Alam ng taong 'yon ang pangalan ko. Ngayon, isa lang alam ko. Isa siya sa mga gustong pumatay sa akin.

Tangina naman kasi ang lakas ng amats ng mga 'yon, e. Ano bang makukuha nila sa akin? Sasayangin lang nila ang gandang mayroon ako.

Ang aking grandmother Serica kaya alam ang tungkol dito? Alam niya kayang may taong gustong mamatay ako? Hindi ko rin alam ang takbo ng buhay nila ni Lolo. Ang akala ko nga sa London sila nakatira dahil ang sabi ni Mama nasa Spain raw sila nakatira ngayon.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now