"But at least, you know-"

"Wala na akong pakialam sa sasabihin niyo! Wala na akong pakialam sa inyo! Wala na akong pakialam sa explanation niyo dahil wala na! Wala na akong tiwala sa inyo! Iyon naman ang purpose niyo, 'di ba? Aside sa hiwalayan ako ni Phoenix, gusto niyo rin 'yon, 'di ba? Pwes, gusto ko lang malaman niyo na ubos na ubos na ang tiwalang binuo ko sa inyo kaya pwede ba? Huwag niyo akong lapitan. Hindi ko rin naman kaya na lapitan kayo matapos ang ginawa niyo." Inalis ko ang mga luha kong dumadaloy sa pisngi.

Pagod na pagod na talaga ako.

"At para sabihin ko sa inyo, iba ako sa mga inaakala niyo, hindi ako katulad ng mga babaeng dini-date niyo. And to be honest, you all must be disgust sa sarili niyo dahil sa ginawa niyo. Well, ako, class and elegant pa rin ako, iba sa mga babae niyo. And para sabihin ko rin sa inyo, hindi ako 'yong nawalan dito, kayo 'yon. At sa totoo lang, nagsisisi rin akong tinulungan ko kayo, sana hinayaan ko nalang kayo, e, sana hindi ko nalang kayo tinulungan sa mga buhay niyo, bwisit." Kinuha ko kaagad ang bag ko at lumabas ng classroom.

Ramdam ko ang tingin nila pero hinayaan ko na lang sila at dumiretso sa restroom ng girls. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Inalis ko ang blazer at necktie ng uniform ko. Pati ang pagkakatali ng buhok ko inalis ko rin.

Hindi pa ako nakakapasok sa loob may humawak na sa braso ko. Napaigtad ako dahil ang init ng palad na dumapo sa akin.

"Darlene, please, talk to me..."

Tumigil ako. "Ayoko." Inalis ko ang kamay niya pero hinawakan niya lang ulit ang kamay ko. "Ano ba? Ayoko nga. Bitiwan mo 'ko." Pilit kong inalis ang kamay niya sa palapulsuhan ko.

"Just talk to me..." Pakiusap ni Phoenix. "Please... hear me out, baby, please."

"Ano pa ba gusto mong pag-usapan? Kung tungkol 'yan sa ginawa niyo. Pwedeng lumayas ka na lang sa harapan ko? Dahil ayokong makita ang pagmumukha mo dahil tuwing nakikita kita, naalala ko lahat ng ginawa mo!" Mabilis kong inalis ang luha sa pisngi ko. Malakas ko siyang tinulak pero nahawakan niya ako.

"Just hear me out..." halos magmakaawa na siya sa harap ko. "Please, Darlene, just hear my explanations."

"Sawa na ako marinig 'yan... nasasaktan na ako tuwing naririnig ko 'yan." Hindi ko napigilan ang mapahikbi. "Sana kahit ngayon lang... patahimikin mo 'ko kasi... ang sakit na. Tigilan mo na ako."

"I know... I hurt you a lot, baby, but please hear my explanation." Humigpit ang hawak niya.

Mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko kapag umiiyak ako dahil pakiramdam ko sobrang hina ko. 'Yong dapat na magaan dahil sa paraan ng pag-iyak naaalis ang sakit pero bakit sa akin... lalo lang sumasakit?

Sa bawat patak ng luha ko kasabay rin nang paglala ng sakit dahil sa kaniya. Nasasaktan ako sa kaniya at sa ginawa niya. Paulit-ulit na umiikot sa buong Sistema ko ang sakit. Nasasaktan ako sa lahat. Sa kaniya, sa ginawa niya, sa kanilang lahat na involved. Lahat... para akong dinudurog.

"Tapos hahaluhan mo lang ng kasinungalingan ang lahat ng eksplenasyon mo?" Naging malamig ang boses ko.

"N-No..." halos bulong na sagot niya. "I know, I hu-" Pinutol ko ang sinasabi niya.

"Wow, dapat lang alam mo na nasaktan mo ako!" Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. "Phoenix, pinagkatiwalaan kita ng higit pa sa kanilang lahat dahil mahal kita..." nanginig ang ibabang labi ko. "Mahal na mahal kita... pero bakit mo nagawa 'to sa akin? Ano? May nagawa ba akong mali sa 'yo? Wala naman, 'di ba? Ano? Sagutin mo 'ko! May nagawa ba ako sa 'yo?! Sinaktan ba kita?! Gusto mo rin ba mangyari sa akin ang nangyari sa kaibigan ko?! Na saktan ako?! Please... hindi ko na kasi talaga alam... gusto ko malaman ang dahilan para gaguhin mo 'ko ng ganito..."

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now