Alam ni Papa ang nangyari, syempre. . . galit na galit siya. Hindi nga lang sila makakauwi ni Mama kahit gustong-gusto nila. At iyong iba naman, humihingi sa akin ng sorry kahit hindi naman dapat. Wala naman silang kasalanan, kasalanan ni Jude 'yon.

Halos maligo ako ng takot at kaba. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak at marinig ang pagmamakaawa ni Phoenix na huwag 'yon gawin, isa 'yon sa mga nagpapaiyak sa akin. Habang pinapakinggan ang boses niyang nagmamakaawa habang hawak siya ng mga kasama ni Jude.

Wala na rin ang nararamdaman kong sakit sa katawan pero namumula pa ang dalawang palapulsuhan ko. Wala na akong pakialam kung ano ang mangyari kay Jude.

Tumawag si Papa at ramdam na ramdam ko talaga ang galit niya. Parang handa na siyang pumatay dahil sa nalaman. Naiintindihan ko naman siya, syempre nag-iisang anak na babae ako ni Papa tapos gano'n ang mangyayari. Pati ang pananakit ni Jude sa akin... Hindi rin mawala sa isip ko ang sabi ni Kuya kanina habang nakapikit ako at pinapakinggan ang sinasabi niya.

Iyong tipong hindi siya nananakit ng babae pero palagi akong nasasaktan in different way.

Mahal na mahal talaga ako ni Kuya at Darius.

"Ano'ng oras na?" Tanong ni Andrei.

"4:49."

"Yown! May oras pa tayo para pumunta sa audition!"

Shit, oo nga pala. May audition ngayon sa plaza. Bigla namang nag-react ang mga kasama namin dahil sa sinabi ni Gavin. Nandito na rin pala si Rafael.

"Oo nga pala! Nakalimutan ko!" Sabi ni Ivan.

"May oras pa tayo kaya halika na!"

Tumayo sila Gianna.

"Kailangan nating makapasok!"

"Hindi ka kasali, Mico!" Napairap naman si Mico sa sinabi ni Ivan.

"Hindi ako makakanta at makakatugtog, ang sakit ng kamay ko at ng lalamunan ko," sambit ni Gianna.

Gusto kong makapasok sa audition kaso hindi ako papayagan ni Kuya na lumabas sa hospital. Kailangan kong makapasok doon!

"Sayang, kasali pa naman kami do'n," pagpaparinig ni Dash kay Kuya. "Sayang naman..."

"Fine, but, make sure no one will be hurt," sang-ayon ni Kuya.

"Isa kang mabait na kapatid, Drake!" Tumayo sina Finn.

"Are you really okay now?" Tanong ni Phoenix.

"Oo, okay na me," humawak ako sa kamay niya para makaalis sa kama, iba na pala ang damit ko.

Naka-floral dress ako! Mukha akong patay!

Ngumiti ako kay Phoenix nang tumingin ako sa kaniya bago tumingin kay Amir. "Gusto mong sumama kay Tita Ganda?"

"Mommy, Daddy, and I will go to mall, Tita Ganda..." sagot ni Amir.

"Happy family 'yan..." Asar ko at binuhat si Amir. "Kiss mo ako." Kiniss niya ako sa forehead.

Binaba ko na siya at tumingin kay Kuya dahil nagsalita siya. "Call and text me if you got there. Darius will come with you."

Tumango ako. "Okay."

Pumunta kami sa parking lot kung nasaan ang mga sasakyan nila. Nasa tabi ko naman si Phoenix, nakahawak sa kamay ko na parang mawawala ako sa kaniya. Akala ko nga kanina noong nagising ako, aayaw niya ako dahil sa ginawa ni Jude kanina pero hindi dahil niyakap niya lang ako. At panay rin ang sorry niya na wala siyang nagawa, katulad ng sinabi ko sa mga kaibigan namin, wala siya dapat i-ka-sorry.

The Girl in Worst Section (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora