Kumunot ang noo ko. "Bakit na sa 'yo 'to?!" Kinuha ko 'yon sa kamay niya at masama siyang tiningnan.

"Nothing, I want to see what's in your phone," sagot niya. "Nice pics by the way," ngumisi siya.

Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Putangina! Sinasabi ko na nga ba! Nakita niya ang lahat ng pictures ko sa gallery! Madalas pa naman ang pictures ko ay naka-swimsuit dahil palagi akong trip noon ni Tita Beatrice. Lagi niya akong pinapasuot ng two piece kahit ayoko. Ginagawa akong model ng Tita ko.

Hala! Kasalanan mo 'to, Tita Beatrice!

"You're so damn sexy, Miranda," mas lalo akong namula sa sinabi niya. "Miranda with her red swimsuit."

"Tangina mo," sabi ko at mas lalong tinaliman siya ng tingin. "Lumayas ka ritong letche ka. Nanakit ang balikat ko dahil sa 'yo."

Tumawa siya at mas lalo pa nang-asar. "You look like a tomato again."

Nakakaasar talaga ang hayop na 'to. Lagi na lang akong inaasar. Dinampot ko ang isang unan at binato sa kaniya. "Bwisit kang gago ka. Paano ba napunta ang cellphone ko sa 'yo?"

"Darius left your bag in the lounge chair while we're waiting for you," sagot niya. "So, I get your bag and your phone also."

"May passcode ang-"

"I know the passcode," putol niya. "Kaya ko nga nabuksan, 'di ba? Don't worry, I only opened your gallery."

Ang haba kaya ng pass code ko.

Nanliit ang mata ko sa kaniya. "'Yong totoo?"

"Oo nga! 'Yon lang ang binuksan ko," sambit niya.

Maniwala... baka mamaya nabasa niya ang notes ko. Talagang magpapakamatay ako.

"Ano ba 'yon?" Turo ko sa lamesa.

"Darius food, I mean yours," sagot niya. "Darius left and he told me to stay here to watch you. May aasikasuhin raw ang kapatid mo. You want to eat?" Tumango ako.

Tumayo naman siya at kumuha ng pagkain doon. Umaga na tapos hindi pa ako kumakain. Arte kasi ni Darius gusto sa ibang lugar pa kukuha ng pagkain.

"Baka pupuntahan niya lang si Stella," sabi ko.

Nilapit niya ang lamesa sa kama at doon pinatong ang pagkain na para sa akin. May nilapag rin siya na isa pa at sa tingin ko ay sa kaniya 'yon. Kinuha ko ang plastic spoon at nagsimulang kumain.

"And who's that?" Tanong niya at naupo sa harapan ko.

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago sagutin ang tanong niya. "Naalala mo? 'Yong may tumawag sa cellphone ni Kier? Siya 'yon. Napagkamalan pa nga akong jowa noon, e. Yuck lang, kadiri. Hindi ko madigest na magiging gano'n ko si Kier. Ew."

Natawa siya sa sinabi ko.

"Tapos may sinabi siyang kung ano... FUBU daw? Hindi ko nga alam kung ano bang ibig sabihin no'n. Ikaw ba alam mo 'yon? Kabobo amp," sambit ko na bahagya niyang ikinatigil. "'Yon, Fuck Buddy raw pala. Hindi ko 'yon alam kaya hinayaan ko na lang."

Tumikhim siya. "H-Hindi mo talaga alam?"

Umiling ako. "Hindi, e. Tinanong ko nga kay Kuya 'yon, e, noong.... basta hindi ko maalala. Tapos nagalit bigla? Nagtatanong lang naman ako kung ano ang ibig-sabihin. Sinabi niya kung ano-ano raw natutunan ko. Baliw, tinatanong ko lang naman."

"So innocent..." Bulong niya.

Hanu raw?

"I-try ko I-search sa google-"

"Don't you dare, Miranda. Huwag mo nang gawin 'yon." Putol niya. "Baka mamaya kung ano pang mabasa mo. J-just let it."

Para siyang si Kuya. Umay.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now