Sumunod naman siya sa akin at sinagot ang tanong ko.

Umiling siya. "Nah. But to make it fair with you, I'll make it five hundred. Hindi ka na lugi."

"Lugi pa rin ako."

Tumaas ang isang kilay niya. "Hindi, ah. Kapag tinigilan mo ang pagmumura, hindi na 'yon mangyayari. Control yourself, Miranda."

Hindi ko mapigilan ang umirap dahil sa sinabi niya. Lugi pa rin naman ako, e. Pero seryoso lugi ako kasi kasal?! Nanggagago yata ang mga timang na 'to. Kaya kong kontrolin ang sarili ko kapag walang nambi-bwisit sa araw ko. Lalo na 'to! Panay ang asar kapag wala sina Harvey, amp! Ayaw yata nang may nakakarinig ng pang-aasar niya.

"Miranda, on Sunday, I'll pick you up at your house..."

Hindi ako nag-salita dahil may kasunod pa yata.

"I'll teach you how to play drums at my house. I don't have plans on that day unless you invite me on a date."

"Kapal, ah?" Nagtaas ako ng isang kilay. "Kasing kapal ng librong Encyclopedia."

"Kunyari ka pa, I know you want to date me, you just shy to tell," sabi niya, nang-aasar.

"Ay! Sobra na yata 'yan, Velasquez. Grabe ang taas, hindi ko kineri," umirap ako.

"Don't worry, I won't refuse the date and maybe I'll be the one who pays our bills." Inakbayan niya ako. "I can treat you everywhere, Miranda."

Tanginang puso 'to! Nagawawala!

"Parang gago, ampota." Lumayo ako sa kaniya. "Sisipain kitang letche ka. Lumayo ka sa akin."

Sobrang pula siguro ng mukha ko dahil sa kaniya. Grabeng banat 'yan. Hindi ko kinakaya.

Narinig ko ang tawa niya. "You look like a tomato," tawa niya.

Mukha nga akong kamatis! Bwisit talaga ang lalaking 'to.

"Pakyu." Nilagay ko ang dalawang palad sa pisngi ko. "Huwag ka ngang mang-asar. Babatuhin kita ng sapatos ko, piste ka."

Naririnig ko pa ang mahina niyang tawa. "Alright, tomato," sabi niya, natatawa pa rin. "Haha, joke," bawi niya nang masama akong tumingin.

Pinisil ko ang pisngi ko para matakpan ang pamumula.

"Wala ka namang gagawin sa linggo, 'di ba?"

Umiling ako. "Uh, wala."

"Good.

"Pero magpapaalam muna ako kay Papa para alam niya kung nasaan ako." Kailangan ko 'yon gawin para alam rin ni Mama.

"Oh? Marunong ka pala mag-paalam?"

"Grabe, ah? Syempre naman! Pinapaalam rin kasi ni Papa kay Mama ang lahat ng ginagawa ko kaya kailangan kong mag-behave," sabi ko na ikinataas ng isang kilay niya.

"Behave, huh?" Bulong niya.

Hindi na ako nakasagot dahil nakarating na kami sa classroom. Napatingin sila sa amin pati ang Teacher na nagtuturo. Tumaas ang isang kilay niya at matalim kaming tinignan. Para ilang minuto lang naman kaming late.

Parang walang pakialam si Phoenix sa kaniya dahil seryoso lang ang paningin sa Teacher. Kamot ulo akong humingi ng sorry dahil late kaming dalawa at nanatili muna sa labas pero ito namang si Phoenix, dire-diretso ang pasok at naupo sa upuan niya.

Pumunta na lang rin ako sa upuan ko at nakinig sa Teacher. Matalim pa rin ang tingin niya sa aming dalawa habang sinesermonan kami, kesyo late daw kami bago magpatuloy sa pagtuturo.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Arvin sa kalagitnaan nang pagsusulat namin.

Pero sa nakikita ko hindi naman talaga siya nagsusulat dahil pasimple niyang kinukuhanan ng picture ang nakasulat sa board. Gano'n rin ang ginagawa ni Harvey pero itong iba ay matiyagang sinusulat kaso mabilis din ang ginagawa, hindi ko nga yata maintindihan ang sinusulat niya lalo na kay Finn.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now