Pa-neck tie-neck tie pa kasing nalalaman.

Tinatabi ko na lang sa bag ko 'yon. Sinuot ko rin ang kwintas na bigay ni Phoenix dahil 'yon ang gusto niyang gawin ko.

"Bye, bye." Kiniss ko si Lucy sa ulo niya. "Bye, bye, Kissy, Ziggy."

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas para makababa na. Nang makarating ako sa ibaba ay naabutan kong nasa dining sila. May pinapabasa si Papa kay Kuya at Darius.

"So, this is their faces?"tanong ni Darius. "Ang pangit."

"So, damn ugly," gatong ni Kuya.

Dahil nasa likuran nila ako, hindi nila napansing nandito na ako. Sinilip ko ang tinitingnan nila.

Magkamag-anak yata sila nila Phoenix! Grabe, hindi yata sila marunong tumingin ng pangit sa hindi. Ang ganda kaya ng babae. Hanggang balikat ang buhok at may bangs. Mapula ang labi dahil sa lipstick, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata. May red hair rin. May makeup rin at fierce ang mukha sa picture. Mahahalata mo rin na malupit na magalit ang babae at halatang seryoso palagi.

"Ang ganda-ganda kaya nito..." nagulat sila sa pagsasalita ko. Tumawa ako sa mga mukha nila. "Ang ganda kaya noong babae. Sino 'yon?" tanong ko at lumapit kay Papa para bumati.

Umupo na ako sa upuan at hinintay ang sagot.

"Hindi naman 'yon ang tinutukoy ni Kuya. This man." Turo ni Darius sa picture na nasa lamesa.

Tumingin ako. "Ay, pangit nga." Napangiwi ako. "Eh, sino naman 'to?"

"That's Andrea Yasmin Roosevelt but Anya for short. Iyong sinasabi ko sa 'yo?" Sagot ni Papa. "She's beautiful, right? Hindi ko talaga alam kung ano ang hanap mo sa babae, Drake. She's a standard"

"Ang ganda niya..." komento ko habang nakatingin sa picture ng babae.

"So, are you, Darlene," sambit nila Kuya, nakatingin sa akin.

O, 'di ba? Ang ganda ko?

"Paano ba kayo nagkakilala nito? I mean, bakit parang ayaw na ayaw mo sa kaniya. Maganda naman siya at halatang mabait rin." Nagsimula na akong kumain para matapos na rin agad.

"I just. . . don't like her." Inalis niya ang tingin sa babae.

"Bagay kayo, Kuya, ayie," pang-aasar ko. "Ayie, si Kuya, kinikilig. Kunyari pa 'yan. Ayie..."

"Hey, stop it. We are not." Inignora ako ni Kuya.

"Baka naman kaya ayaw mo sa kaniya, it's because naging ex mo?" Nakisali na rin si Darius. "You don't want to see her because maybe she left you broke. You love her pero siya ay hindi na kaya ka iniwan."

Natigilan si Kuya sa pag-inom ng coffee. Napasinghap pa siya. "You know what, guys, I'm out of this. I'm going to be late." Dinampot ni Kuya ang susi ng kotse maging ang suitcase niya.

Nagkatinginan kami ni Darius. "Lagot ka, iiyak na 'yan si Kuya sa kotse." Natawa ako.

"Hey, stop, okay?" Awat na agad ni Papa nang magtawanan kami ni Darius.

Nang matapos kaming kumain ay tumayo na ako. Si Darius ang mag-hahatid sa akin ngayon. Nasa loob kami ng sasakyan at panay ang tanong niya.

"Ang tagal mong bumalik kahapon. Saan ka talaga nanggaling?" tanong niya.

Napamura ako. Nawawala na nga sa isip ko, e. Pinaalala na naman nito, e.

"Alam mo na 'yong sagot, 'di ba? Sinabi ko na sa 'yo." Tinuon ko ang paningin sa daan. "Ikot muna tayo, Darius. Ikutin natin 'yong buong Manila."

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now