"I can't believe this! Kailan pa 'yan?!" Tanong niya at tinuro ang tiyan ko. "How many weeks? Nag-pa check-up ka na ba?"

Huh? May araw ba ang pagbubuntis? I mean, weeks? Hindi ko 'yon alam. Ano ang sasabihin ko?

"Ano..." Ano ba? "Uh... One week siguro?"

Tangina! Patay na talaga ako sa kanila nito! Tangina. Hindi ko nga alam kung hanggang kailan nagbubuntis ang babae, e. Nine months pala 'yon!

"Siguro? Hindi ka sigurado?!" Kunot noong sabi ni Kuya.

Napakamot ako sa ulo bago umayos.

"Pa, may apo ka na." Pigil tawa na sabi ko at nag-angat ng tingin kila Kuya. "May pamangkin na kayo." Hindi maipinta ang mukha nila.

"Damn it, Darlene." Inis na sabi ni Kuya. "I can't believe my princess is having a baby..." Bulong niya na hindi ko narinig.

"Ayoko pang maging tito, Darlene. Hindi bagay sa akin." Sabi ni Darius na halos ikatawa ko pero pinigilan ko ang sarili kong tumawa ng malakas.

Si papa naman hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Who's the father?" Seryoso niyang tanong.

"Sino ang ama?" Tanong niya ulit nang hindi ako sumagot.

Hindi ko alam pero kusang lumabas sa bibig ko ang pangalan na 'Phoenix' kaya mas lalo napamura si Kuya at Darius.

Tangina, sorry, Phoenix! Ikaw lang ang paraan ko para makatakas sa sermon ko pero ikaw nga lang ang mapapagalitan nila or worse baka ipakita ang impyerno.

"I can't believe this," sabi ni Mama at lumapit sa akin. "Darlene... Why?" Gago, baka sampalin ako bigla ni Mama.

Ganon kasi 'yong napapanood ko sa teleserye sa hapon o kaya 'yong nababasa ko sa libro kapag nalaman ng nanay ng bida na buntis ang anak niya, malakas niyang sasampalin at mapapalayas.

Shit, baka mapalayas ako, e, hindi naman ako buntis.

"Fuck you, Velasquez! Sinasabi ko na nga ba. Yari sa akin ang lalaking 'yon," sabi ni Kuya na halos isumpa si Nix.

Baka, patayin niya. Kawawa naman ang anak namin. Charot lang. Pigil na pigil na ang tawa ko dito dahil sa mga itsura nila.

"I don't like him to be my brother-in-law. No fucking way." Nandidiring sabi ni Darius. "Hindi ko siya tanggap bilang.... Yuck! I can't even digest it!"

Tanginang mukha 'yan.

Sobrang seryoso ng mukha ni Papa. "Call him, Drake."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Papa. Patay ako nito. Mas kay Phoenix pa yata ako natatakot. May kasalanan pa nga ako sa kaniya. Wala pa rin sa akin ang kwintas na bigay niya, e! Nawawala pa rin.

"Hoy! 'Wag!" Sabi ko at kukuhain sana ang cellphone niya pero mabilis siyang lumayo. "Tanga! 'Wag! Parang tanga!" Sigaw ko.

"You fucking bastard!" 'Yon ang bungad ni Kuya sa cellphone. "What?! Don't play fucking innocent!"

Lumabas si Papa dahil may tinawagan rin sa cellphone. Si Darius naman ay galit pa rin ang tingin sa akin bago lumabas at kumuha ng pagkain sa baba dahil inutusan siya ni mama para raw makakain ako.

Tangina.

Tumingin ako kay Mama at umiling. "Joke lang 'yon," bulong ko. "Pigilan mo sila. Nagjo-joki-joki lang ako."

Tumikhim siya. "I know you're joking, honey," bulong niya rin para hindi siya marinig ni Kuya na panay pa rin ang sigaw sa cellphone.

Pasensya ka na, Velasquez, at nadamay ka pa.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now