"Lin, are you okay?" Tanong ni Darius na nasa harap ko pala.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas at niluwa doon ang magulang ko, sa likod ay si Kuya. Nagmamadali akong nilapitan ni Mama.

"Darius, ako pala ang d-dahilan kung bakit nawala ang taong mahal mo..." Nanginig ang boses ko. "Hindi ko siya napilit na sumama sa akin noong gabing 'yon kahit pa na... sinabi niyang umalis na ako. Hindi ko naipilit na sumama siya sa akin para pareho kaming mabuhay noong hinahabol kami ng lalaking gusto kaming patayin. A-Ako pala ang dahilan kung bakit galit na galit sa akin ang mga magulang niya at ako rin ang may kasalanan sa lahat. Kaya pala galit na galit sa akin dahil iniwan ko s-siya..." sunod-sunod na luha ang lumandas sa pisngi ko. Mas lalong bumigat ang paghinga ko dahil sa sinasabi.

Naglapat ang labi ni Darius dahil sa sinabi ko. Bahagya siyang napaatras dahil sa narinig. Nakatingin lang naman sa akin sina Mama.

"Kaya pala, galit na galit ka sa 'kin dahil ako pala talaga ang dahilan kung bakit siya namatay," suminghap ako para pigilan ang pag-hikbi.

Sandaling umiling si Darius. "No, stop..." halos bulong niyang sinabi. "It's not your fault. Please, stop."

"Pero iyon ang totoo—"

"No, Darlene. It's not your fault!" sumabat na si Kuya. "It's their fault! Hindi mo kasalanan. It's those fucking bastard's fault. Hindi ikaw o ang kaibigan mo dahil in the first place, you and her are the victim."

"Your brother's right, sweetheart," hinaplos ni Mama ang pisngit ko. "Hindi mo kasalanan. Pareho lang kayong biktima, ang masakit lang ay nawala siya."

Hindi ako sumagot. Pero nasa akin pa rin ang sinisi ng iba.

"I'm so sorry..." biglang sinabi ni Darius. "Sorry if I blamed you that day, tama si Kuya, hindi mo kasalanan pero ikaw pa rin ang sinisi ko. Ikaw ang sinisi ko sa lahat kung bakit nawala si Abi. My mind was closed that day dahil sa lahat ng nangyayari. I was came from a comatose then after waking up, malalaman ko na wala na siya. Ang nasa isip ko lang noon ay kasalanan mo lahat," bahagyang nanginig ang boses ni Darius.

Naalala ko na, comatose rin pala si Darius noon dahil sa nangyaring aksidente sa kaniya.

"Stop thinking that it was your fault 'cause it's not, okay?" Naramdaman ko ang pagtapik ni Papa sa balikat ko.

"Aw, Papa, may tama ako ng baril d'yan," sambit ko. "Pero nahuli na ba ang may gawa no'n?"

"Yes and I already killed them for you, Darlene. Noong gabing iyon, binalik ko sa kanila ang trauma na nakuha mo mula sa kanila," malamig na sinabi ni Papa.

Halos manlamig naman ako doon. Hindi ko talaga kinakaya kapag nagseseryoso si Papa.

Iniwan kami nila Papa dahil gusto raw ako makausap ni Darius. Tahimik lang ako habang nagbabalat ng prutas hanggang sa marinig ko ang sinabi niya.

"M-Mahal ko siya, Darlene. At malaman na wala na siya ang pinakamasakit sa lahat. I can't even look at her coffin when it's her damn last day. I can't even threw a damn flower because for me she's not dead."

"Alam ko naman 'yon, masakit mawalan ng minamanal, Darius, pero alam kong ganoon rin siya sa 'yo."

"I know," bulong niya. "Kaya kahit noong may nagawa siya sa akin, handa akong patawarin siya."

"Huh?"

"Wala, don't mind it," iling niya. "But I am really really sorry. Ikaw ang sinisi ko. I even prayed na sana ikaw nalang ang namatay, so I am really sorry. Dahil doon ay nagkalayo tayo, you know, I can't even start my day without thinking of her and you. Si Abi dahil wala na talaga siya at ikaw naman, hindi ka nga wala... hindi naman tayo okay. Kaya nga, humingi na ako ng sorry dahil ayoko na no'n, I want to be with my sister now."

The Girl in Worst Section (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora