Kaagad akong nagpunta sa cafeteria.

"Pabili po ng tubig," sabi ko sa tindera. "Magkano po?"

"35..." Sagot ni ateng tindera.

Ang mahal naman!

Kumuha ako ng 35 sa bulsa ko at agad kong binigay. Kinuha ko na ang tubig at binuksan, nauuhaw na ako. Habol ko ang hininga ko nang makabalik ako sa classroom, nakatingin sila sa akin at matamis na ngumiti. Hindi ko magets kung ano nginingiti nila.

"I hope you all get a higher score," sabi ng Teacher sa harap habang inaayos ang test paper.

Napanganga ako. Hindi pa ako tapos! Hala... 27 lang ang nasagutan ko tapos malay mo? Mali lahat, edi zero ako? Itlog ang makukuha ko.

"Sure..." mayabang na sabi ng mga kasama ko.

Sigurado na silang lahat samantalang ako? Hala... zero ako! Iniisip ko pa lang nanlulumo na ako. Naiimagine ko na 'yong sermon ni Papa at Kuya sa akin.

Tumingin sa akin ang Teacher at tumango. Pilit akong ngumiti, tumabi ako para makalabas siya sa classroom. Bumalik ako sa upuan ko na nakatulala. Wala na dito 'yong test paper ko kaya paniguradong na pasa na nila.

"Bakit ba ganyan ang mukha mo?" Puna ni Finn habang nakatingin sa akin.

"Hindi pa ako tapos..." Ngumuso ako. "Number 27 pa nga lang ako, e."

Kinuha ko si Tweet at tweety. Ang angas ng name, 'no? Pinag-isipan ko 'yan.

"Okay lang 'yan! Hindi ka babagsak, promise." Taas kilay na sabi ni Gael at ngumiti.

Hindi babagsak?! Paano naman sila nakakasigurado?

"Chill ka lang," ngumiti rin si Dice.

Hindi ko na sila pinansin.

Bahala na nga... i-e-explain ko na lang kila Papa kung bakit ako bagsak. Sana lang maintindihan nila na naawa ako sa tweety at tweet ko. Gusto ko silang ampunin.

Pinainom ko ng tubig ang dalawang ibon. Kinuha ni Owen ang balat ng mani.

"Pwede pala kumain ng mani ang bird," sabi niya.

"Pwede pa nga silang mag-interact, e," dagdag ni Gael.

Napatingin ang lahat sa kaniya.

"Fuck your mouth!" Malutong na batok ang natanggap niya kay Harris.

Huh? Ano ang ikinagalit nila? Pwede naman talagang kumain ng mani ang bird. At ang alam kong interact ay 'yong nag a-act on one another or contact with someone else kaya paanong nasama 'yon sa usapan?

"Huh? Interact saan?" Tanong ko.

"W-Wala 'yon! 'Wag kang makinig rito!" Awkward na ngumiti si Rafael.

"'Yong kagaya noong nasa lapto—" Binusalan ni Phoenix ng papel ang bibig ni Gael.

Kunot noo ko silang tiningnan. "Hindi ko kayo gets." Binaba ko ang tingin kay Tweet at Tweety.

"Stay innocent," biglang sabi ni Phoenix.

Ewan ko sa kanila, bahala sila! Hindi nagtutugma ang mga iniisip namin.

Teka, lunch time na pala.

Panay ang barahan nila habang pinapainom ko ng tubig si Tweet at Tweety. Naaawa ako sa kalagayan nila. Dalhin ko kaya sila sa clinic?

"Saan kaya sila pwede ipagamot?" Tanong ko sa kanila.

Tumigil sila sa kagaguhan nila.

Si Phoenix nasa tabi ko hawak-hawak si Tweet, may halong blue ang feather niya kaya hindi ako nalilito kung sino sa kanila si Tweet at Tweety.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now