Nang matapos kong masuot ang long dress, tiningnan ko ang sarili malaking salamin.

"Wear this," binigay niya sa akin ang heels.

"Ang taas nito!" Hindi ako sanay mag-suot ng mataas na heels. Baka madulas ako. Aaminin ko, oo, tanga ako.

"Kaya mo 'yan," aniya at siya mismo ang nag-suot sa paa ko.

Mabuti na lang noong tumayo ako ay hindi ako natapilok. Nag-ayos na rin sila para makaalis na.

Sinuot ko ang kwintas na binigay ni Phoenix sa akin dahil bagay iyon sa suot ko. Nang makababa kami agad akong inalalayan ni Papa.

"Thank you, Gwen," sabi ni Papa at simpleng ngumiti.

Ngumiti naman si Gwen at tumango.

"Let's go," ani Kuya at sumakay sa passenger seat.

Sa likod naman ako nakaupo at silang dalawa sa harap. Si Papa ang nagda-drive. May tatlo rin na kotseng nakasunod sa amin. Sumilip ako at sa tingin ko ay kilala 'yon nina Papa.

Ano ba kasing klaseng party ang pupuntahan namin? At kailangan gabi pa ganapin? Alas-otso na ng gabi tapos kailangan naka-long dress pa. Para tuloy akong sasabak sa Miss Universe.

Hindi naman nag-tagal ang biyahe namin. Bumaba na ako, agad kong napansin ang mga sasakyan na naka-park. Hindi lang basta-basta kotse dahil may mga sports car, ah.

'Yong iba parang namumukhaan ko. Parang katulad noong kay Phoenix?

"Kanino ba 'tong party?" Tanong ko.

"You'll see," sagot ni Papa.

Nasa isang hotel kami, halatang mamahalin sa sobrang laki at iyong style Luxury Hotel. Magkano kaya 'to?

Una akong naglakad at sumunod naman sila. Humawak ako sa braso ni Kuya nang huminto kami sa isang malaking pinto. Sa kabilang gilid ko naman si Papa at sobrang lamig ng mga tingin nila. Nakahawak si Kuya sa isang pocket niya at diretso lang ang tingin sa pinto.

May naririnig akong nag-sasalita. L

"Let's welcome the CEO of Miranda Formonix Industry, Mr. Dylan Ross Miranda and his son and daughter, Drake and Darlene Miranda." Narinig kong sabi sa loob.

Nagulat pa ako nang marinig ko ang pangalan ko. Bumukas ang pinto at bumungad ang mga taong nakatingin sa amin at hinihintay kami. Nagpalakpakan sila habang nakatingin sa amin, ngumiti pa ang iba.

Ngumiti nalang rin ako pabalik. Masyado snob si Kuya dahil hindi niya pinapansin iyong mga tao. Naglalakad na kami papunta sa harap. Teka, ano ba ang mayroon?

Tumingin ako sa stage at may nakalagay sa screen. Shit, anniversary pala ng company namin! Hindi pamilyar ang mga tao sa akin pero alam kong kilala nila si Papa. Nginitian pa nila si Papa nang tumingin sa gawi namin.

Inikot ko ang paningin sa buong lugar. Ang ganda sa buong lugar, halatang pinaghandaan talaga. Ang engrande rin ng dating. Napakanta ako ng Chandelier nang makita iyong mga chandelier sa taas.

Tumingin naman ako sa mga tao. Kung babasehin, mga nasa isang daang katao ang nandito. Sabagay, sobrang laki ng space. Kasya yata ang isang libong tao rito, e.

"Do you want to seat?" Tanong ni Papa.

Tumango ako. Kahit konting oras lang ang nilakad namin, masakit na ang paa ko dahil sa heels na suot.

Umupo ako sa harap kung saan may extra na table na para sa amin lang. May pa-speech si Papa kaya na-bored ako. Maikli lang naman 'yon kaya agad din natapos. Pasimple kong kinakamot ang legs ko dahil na ngangati.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now