Basta-basta ako pumunta ako sa itinuro niya.

Since wala pang Teacher naupo muna ako sa bleachers. May music na napakalakas. At ang babaeng si Laureen, hinila ako bigla. Tinawag pa siya ni Trevor dahil sa trip niyang ginagawa sa akin.

"You know how to play the electric guitar?" Ngiti niya.

Napabuga ako ng hangin. "Oo." Matagal na akong marunong gumamit no'n.

Nanlaki ang mata niya. "Talaga?! Can you do sample over there!" Turo niya sa stage.

"Ayoko." Bumalik ako sa bleachers kaso pinilit niya ako.

Ang dami kayang tao, ano. Nakakahiya kaya.

"Dali na!" Sinundan pa niya ako.

"Ayoko nga." Tumabi ako kay Phoenix.

"Wala pa naman Teacher!"

Ang kulit naman nito! Pati sina Gael, naki-epal na rin sa pinipilit ni Laureen sa akin. Hindi niya makuha na nakakahiya nga, ang daming tao, o!

Nagulat pa si Phoenix dahil nalaman niyang marunong ako. Hindi pa yata siya naniniwala.

"You know how to play that?"

"Naman... wala ka yatang bilib sa akin, Mr. Velasquez," mayabang kong sabi bago ngumisi.

"So, can I hear it, Miss Miranda?" Hamon niya.

Nanlaki ang mata ko. "Ayoko—" Pinutol ni Phoenix ang sinasabi ko.

"Do it."

"Ayoko—"

"Isa—" Ako naman ang pumutol sa sinasabi niya.

"Dalawa," natawa ako bago pumunta sa stage.

Pumunta ako sa harap at napatingin naman ang iba. Inutusan ko si Finn na ayusin ang electric guitar. Hindi ako marunong mag-ayos, marunong lang akong gumamit no'n.

Every Summertime by NIKI ang tinugtog ko. Iyon lang ang alam ko. Sinuot ko ang tali ng electric guitar bago i-test. Tumingin ako lahat bago magbaba sa hawak. Nakatingin lang ako sa guitar habang tumutugtog. Hinahangin pa ang buhok ko dahil sa ginagawa bago mag-angat ng tingin sa lahat.

Hanggang sa marinig ko ang pagkanta ng iba. Sinabayan nila ang tugtog.

"Baby, I'd give up anything to travel inside your mind. Baby, I fall in love again come every summertime..." Nag-angat ako ng tingin at pucha nakatingin na pala sa akin ang lahat.

Nakatingin si Phoenix sa akin. Panay naman ang palakpak nila Dash habang panay ang usap. Ano namang pinag-uusapan nila? Pansin ko sa mga lalaking 'to, daig pa chismosa sa kakachismis.

Ibinaba ko agad ang electric guitar nang matapos. Nahihiya pa ako nang makarating kay Phoenix.

"Galing ko..." sabi ko.

"Right! You're so great!" Sabi ni Laureen.

Panay ang salita nila. Nahihiya pa rin ako! Mabuti na lang at dumating ang Teacher kaya tumigil sila. Nagkaroon agad ng lesson kaya nanahimik na ako.

"Taenang Mapeh 'yan, feeling major subject ang daming pinapagawa," reklamo ni Harvey at may pag-unat pa ng katawan.

Kakatapos lang namin gawin ang lahat ng activities sa Mapeh kaya pagod na pagod sila pero nagtataka ako kung bakit, wala naman silang iba ginawa kung hindi ang dumaldal tapos panay ang laro at trip. Pati ako ay nadamay dahil noong nakita sila ng Teacher, ako ba naman ang ituro? Kaya ang ending ako ang pinagalitan. Tanginang 'yan, 'yong tipong nanahimik ka tapos dinamay ka.

Kaya pagkatapos ng klase, binatukan ko sila isa-isa.

Mga nakaupo na sila sa sahig at naglalaro ng put a finger down yata 'yon, samantalang ako ay prenteng nakaupo sa bleachers habang tinitingnan ang lahat ng mga nasa gymnasium.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now