Tinanggal ko ang blazer ng uniform ko at pinatong sa kandungan. Pansin kong napatigil siya at nakatingin lang sa akin.

"Hindi ka ba marunong magsuot ng s-sando?" Umiwas siya ng tingin.

Pati ako ay napatigil. Shit, oo nga pala! Puro black kasi ang kulay ng bra ko! Ilagay ko raw sa harap ko ang towel para matakpan.

"Okay lang 'yan... nakita mo na naman na in personal," sabi ko na ikinaubo niya.

Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako sa ginagawa.

"Ang sarap palang maligo sa ulan," komento ko.

"Hindi ka pa ba nakakaligo sa ulan?"

Nag-shrugged ako. "Hindi ko alam, eh. Pero sa tingin ko, hindi pa. Hindi naman kasi ako pinapalabas ng bahay ni Papa kaya nga puro takas lang ginagawa ko." Umayos ako ng upo.

"But, you want to experience it?"

Tumango ako. "Naman!"

Pero kapag walang pasok!

Akala ko nagmaneho na siya papunta sa school pero mali ako! May pinuntahan pa kaming dalawa kaya nag-tagal. Maaga-aga pa naman kaya hindi ako nababahala. Basa pa rin ang uniform ko. Tumigil kami sa isang store yata 'yon. Lumabas kami at pumasok sa loob.

Ay, nasa boutique pala kami. Puro pang-babaeng damit ang narito, e.

"Gago, bakit tayo nandito?" Tanong ko.

"What's your size?" Lumingon siya sa akin. "Pick a skirt-No, a dress. Pick a dress. Huwag 'yong maikli, okay?"

"Ha?"

"Do I need to repeat my words? I said, pick a dress. Huwag 'yong maikli. I still can't forget when someone takes a picture of your... you know," sagot niya. "But, it wasn't your fault though. They are perverts, that's why they did that."

Tumango ako bago namili ng dress. "Walang kasya sa akin na dress."

He sighed. "Okay, then this one." Binigyan niya ako ng fuchsia pink plaid blazer, mini skirt, at sleeveless crop top.

"Pwede ba 'to?"

Tumango siya. "Patungan mo na lang n'yan." Tukoy niya sa plaid blazer.

Kinuha ko na ang damit para makapag-palit. Tumingin ako sa salamin. Kita ang pusod ko, sinuot ko na ang blazer bago lumabas ng fitting room. Nasa labas si Phoenix at hinihintay ako.

"Okay na ba 'to?" Tanong ko sa kaniya.

Bahagya pa siyang napatitig bago tumango. "Yeah... Let's go." Hindi niya maalis ang paningin sa akin. Tumayo rin siya at naglakad.

"Hoy, bayaran mo muna!" Sabi ko pero nagpatuloy siya sa paglalakad.

Sinundan ko siya doon sa may cashier. May nilabas siyang itim na card kagaya ng nakikita ko kay Papa. Tumingin sa akin si ateng cashier at ngumiti.

"Thank you, Ma'am and Sir."

Lumabas kaming dalawa sa boutique at pumunta sa sasakyan. Ang galing naman no'n. Nang makapasok kami sa loob ay agad niyang pinaandar at dumiretso papunta sa School.

Pinapakiramdam ko siya dahil hindi siya nagsasalita. Nanahimik na lang ako at hindi na lang siya pinansin rin pero nakikita ko sa peripheral vision kong tumitingin siya sa akin.

"Mauna ka na," sabi niya. "Leave your clothes here first."

"Okay," sabi ko at nilagay sa backseat ang dalawang paper bag at saka bumaba sa kotse niya.

Pinakita ko sa guard and ID ko at pinapasok naman niya ako. Madali ang paglalakad ko para makarating ako agad sa room. Habang naglalakad ay pumasok na naman sa isip ko si Iris. Nawawala na nga, e. Panay tuloy ang tanong ko sa sarili ko kahit wala naman akong sagot na nakukuha.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now