"Nagkita kayong dalawa?" Tanong niya at tumango naman ako. "Did he do some shits on you?"

Umiling ako. "Wala naman. Pero nakita ko 'yong kapatid niya, ang pogi!"

"What?"

"Ang pogi ng kapatid niya," ulit ko at kinagat ang ice cream.

"He's still a kid."

Nangunot ang noo ko. "May sinabi ba ako? At hindi ako pedophile! Hindi ako pumapatol sa bata kung 'yon ang iniisip mo. Malawak ang pag-iisip ko, ano, kaya bakit ko gagawin 'yon?

Napatigil ako sa pagkain nang mangilo ang ngipin ko at magka-brain freeze.

"Gago, ang lamig," bulong ko na narinig niya.

"Wala namang ice cream na mainit," sabi niya.

Wala naman akong sinasabing wala, ah?

Tinuloy ko ang pagkain ko. Ang sarap!

Halos manigas ang tiyan ko dahil sa dami ng kinain ko. Para akong bibitayin sa dami ng pagkain! Puro street foods kasi ang binili nila tapos ang dami pang mais 'yong nasa cup na may cheese powder at kung ano-ano pa.

Ang dami rin na cotton candy na si Arvin lang ang natuwa dahil favourite niya 'yon. Napagdesisyunan rin nilang samahan ako, saturdate kumbaga sabi nila kaya hindi na ako nag-inarte.

"Putangina," mura ko nang lumipad sa akin ang bala ng nerf gun ni Renz.

"Barilin niyo si Darlene! Oh, ito nerf gun!"

"Kingina, ihahagis ko sa inyo ang fruitshake na hawak ko!" Inis na sabi ko. "Tangina, Harvey, itigil mo 'yan!" Tanginang mga 'to, pinagbabaril ako.

Napapatingin ang ibang mga tao sa amin.

Buti pa si Dash at Trevor, hindi ako ginagano'n. Tinatakpan ko na lang ang mukha ko para hindi matamaan ang mata ko. Nagtatago ako kay Dash at Trevor pero umaalis! Napatigil lang sila noong may matamaan silang matanda at sobrang taray ng mukha. Halatang pagsasabihan sila pero mga nagsi-alisan sila Harvey.

"'Yan, lagot!" Nag-hand gesture pa ako.

Tumahimik naman sila at naupo kung nasaan kami. Tumingin pa ulit sa kanila ang matanda bago dumiretso sa paglalakad. Malakas akong tumawa sa mga mukha nila. Para kasing naging maamong tuta ang mga mukha nila.

"Mga tuta 'yan?" Pang-aasar ko at tumawa.

"Tangina, ang taray ng mukha niya," sambit ni Finn.

Pati sina Dash ay tumatawa.

Mga nag-si-kain sila at hindi pinansin ang pang-aasar nila Dash. Hanggang sa matapos sila ay tahimik pa rin sila. Natatawa na lang ako sa kanila.

"Bakit nga pala kayo nandito?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pag-i-skate sa skate park.

Pinahiram ako ni Dash ng pang-protect sa ulo para hindi ako mabagok kung sakaling umiral ang katangahan ng skateboard na to. Marunong din pala siyang mag skate tapos pinakitaan din ako ng mga tricks kaya nabilib ako. Gusto ko rin matuto ng mga flip tricks.

"Nagyaya kasi sila buti wala akong ginagawa," sagot ni Arvin.

Agad siyang nakatanggap ng malakas na batok kay Dash. "Anong wala kang ginagawa? Noong dumating kami sa bahay niyo inuutusan ka ni Tita na mag-banlaw ng damit!"

Tumawa si Arvin. "Maraming katulong sa bahay kaya hindi na ako kailangan do'n."

Yaman... maraming katulong.

"Turuan mo ko mag kick flip," request ko kay Dash.

"Delikado," sabi niya at umiling.

"Tss... kaya 'yan," sabi ko at dumausdos padulas sakay ng skateboard.

Paulit ulit lang ang ginagawa ko kaya naupo na lang ako. Ang damot kasi nitong si Dash ayaw akong turuan kala mo naman ikakamatay ko. Kanina ko pa siya kinukulit pero panay ang tanggi niya.

"Dali na kasi!" Pangungulit ko kaya tumayo na siya.

Itinuro niya sa akin kung paano ko imemewestra ang paa ko at paano ko iikot ang skateboard. Naangasan ako sa kaniya nang gawin niya 'yon.

Nakaapak ang isang paa sa dulo ng skateboard at pinadausdos niya yun pababa pagkatapos nun ay inikot niya ang board pa counter-clockwise. Hinangin ang buhok at polo niya nakadagdag angas sa ginagawa.

"Ang galing!" Sabi ko at pumalakpak pa.

"Syempre si Dash pa. Hobby niya 'yan, eh!" sabi ni Harvey at nakipag-apir kay Dash.

"Kaso hindi siya suportado ng parents niya," bulong ni Arvin.

Huh? Bakit naman? Dapat nga masaya sila kasi may magaling silang anak tulad ni Dash, na kahit tarantado may talento.

"Pero wala naman akong pakialam," sabat ni Dash.

Ang talas ng tainga niya.

"Gusto kasi ng parents niya na mag-doctor siya pero ayaw niya since both Doctors, pati ang both grandparents niya ay iyon ang naging trabaho and iyon talaga ang nasa pamilya nila. At since only son of the family si Dash ay kailangan iyon rin," sambit ni Harvey.

Napatango naman ako. "Sige, ako naman ang susubok," pag-iiba ko ng topic dahil napapansin kong tahimik na si Dash.

Pumwesto ako sa pinanggalingan ni Dash kanina.

"Are you sure about that?!" Malakas na tanong ni Trevor. "Naka-slippers ka lang!"

Hindi basta basta slippers 'to 'no! Nike 'to! Branded!

Hindi ko na siya pinansin at nagpadulas na lang. Susubukan ko na sana ang ginawa ni Dash at halos ipagyabang ko ang gagawin at talagang ngumsi pa ako sa mga hudlong kong kaklase kaso nawalan ako ng balance kaya napasubsob ako at una ang mukha.

Narinig ko ang malakas na tawanan ng mga walang hiya na pinangunahan ni Rafael at Harvey. Sige, tawa pa! Rinig ko din ang pagtawa ng ibang tao sa paligid. Masaya kayo?

Ang tanga talaga ng skateboard.

"Aray..." Daing ko nang matulungan nila akong makatayo at inalalayan para makaupo.

Nagpipigil din ng tawa ang mga putang inang kauri ni Satanas.

Malakas na tumawa si Harvey. "Ang yabang pa ng mukha niya tapos susubsob lang?"

Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako at nakisabay pa tawa niya ang mga gago.

Nakakaasar! Puro sugat ang mga nakuha ko ngayong araw! Nakakainis! Saturdate na nakakasira ng araw! Ang tanga kasi ng skateboard. Oo, kasalanan ng skateboard 'yon!

Nilingon ko pa ang iba dahil sa lakas ng tawa nila. Umirap lang ako bago hawakan ang noo ko. Ang sakit!

The Girl in Worst Section (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora