Tinuon ko ang paningin ko sa babaeng ito.

"Laureen, mukhang hinahamon ka," rinig kong bulong ng alipores niya.

Laureen pala ang pangalan niya. Maganda sana kaso 'yong ugali. . . hindi match.

"Sulsol, ampota," sabi ko at nag-cross arm.

Ganyan 'yong mga kaklase ko noong elementary kapag may nagsusuntukan. May sumusulsol.

"You, bitch." Hinila ng babae ang buhok ko.

"Tangina!" Sigaw ko.

Pwersa kong kinuha ang kamay niyang nakahawak sa buhok ko para mabitawan ako. Mabilis ko siyang tinulak sa pader bago inayos ang buhok ko.

"Tanginang babaeng 'to. Ano bang problema mo?" Tanginang 'to, gusto ko lang naman pumasok sa classroom tapos ganito? Kamalasan nga naman!

Matalim ang tingin niya sa akin at akmang magsasalita pa siya pero umalis na ako.

Ang sabi ko, ayoko ng makipag-away, lumalayo na lang ako pero mukhang may sariling paa ang gulo na 'yan dahil kusang lumalapit sa akin.

Nadali ko pa ang balikat niya nang tumayo kaya mukhang napasalampak siya sa sahig. OA. Rinig ko rin ang sigaw niya. Gano'n ba talaga rito? Kapag trip makipag away gagawin nila. Bumilis ang lakad ko kaya habol ko ang hininga nang marating ko ang classroom.

Lakas ng tama ng Laureen na 'yon, ah. Walang mapag-tripan kaya ako ang inaaway. Sumandal ako sa pader para makapag-pahinga bago ayusin ang buhok.

"Hoy. . ." may umubo sa tabi ko.

"Tangina!" Gulat na sigaw ko nang may umubo at nagsalita.

"'Wag mo nga akong minumura," asar na sabi ni Phoenix.

"Sino ba kasing tanginang hayop ang bigla bigla na lang magsasalita d'yan," inis kong sinabi.

May binulong siya at basta basta na lang pumasok sa classroom. Pumasok na rin ako pero agad rin natigil nang makita silang lahat. 'Di ba nasa resto pa sila kanina? Paano na nandito na sila? Nauna pa sila kaysa sa akin? Ano, lumipad sila para mabilis na nakabalik dito. Mas nauna pa nga kami na umalis ni Kuya.

May kapangyarihan kaya ang mga gagong ito?

Kagaya ba nila si Kuya?

"What are you looking at?" Tanong ni Phoenix sa akin.

"Paanong nandito na kayo?" Tanong ko rin.

"Secret," sabi ng mga gago at ngumisi

Ang damot!

Pero paano nga? May kapangyarihan din sila kagaya ng kay Kuya? Umupo na lang ako sa upuan ko at nilabas ang notes na binigay sa akin ni Ms. Catalina kailangan ko daw humabol sa lesson para hindi ako lalong mapag-iwanan.

Si Ms. Catalina ang substitute Teacher namin habang wala ang totoo naming Adviser. Sabi sa akin ni Harvey, lalaki raw ang Adviser namin pero Griffin din ang apelyido. Mag-asawa siguro sila ni Dora?

Hmm, nahanap na kaya nila 'yong hinahanap nila sa resto?

May pumasok na babaeng Teacher kaya umupo na ang mga kaklase ko.

"May aircon nga ang kwarto niyo, napaka-kalat naman," sambit niya na halos isumpa ang classroom namin.

Sa totoo lang tama siya. Parang isang libong taon na kasi ang classroom namin dahil sa sobrang dami ng agiw daig pa ang haunted house. Ang dami rin nakakalat sa likod. May aparador na malaki at maganda pa, kaunting ayos lang sa aparador na 'yon ay magmumukhang bago na ulit. At sobrang kalat din ng likod. Buti na lang malayo ako do'n dahil nasa gilid ako, banda malapit sa pinto.

Pinasadahan niya ng tingin ang buong klase pero tumigil ang paningin niya sa akin. Pinagtaasan niya ako ng kilay bago tumingin sa class record.

Akala mo naman totoong kilay, drawing naman.

"Siguraduhin niyong hindi na mauulit ang nakaraan," sabi niya na ikinagulo ng utak ko.

Hindi na mauulit ang nakaraan? Bakit naman? May nangyari ba noon? Kung mayroon man, ano ang klaseng pangyayari 'yon? Gusto kong malaman. May nauna kaya sa akin dito? Akala ko ba first time nilang makasaksi ng babae sa klase.

Narinig ko ang pagsinghap nilang lahat pero ang mukha ni Phoenix, Dash, Trevor ay seryoso lang ang mukha.

Siniko ko si Harvey. "Ano bang sinasabi ni Ma'am?"

Nag aalinlangan siya kung sasagot ba siya o hindi pero pinilit niyang magsalita. "Wala ako sa lugar para sabihin ang pangyayaring 'yon."

Ay, ganoon.

"At matagal na naming kinalimutan 'yon," sabi niya at nakinig sa Teacher na nagtuturo sa harap.

Kating kati na akong malaman tapos gano'n? Pero naiintindihan ko naman, siguro masakit sa kanila 'yon kaya hindi ko na pipilitin.

Nakinig na lang ako sa Teacher para hindi balik-balikan ng utak ko ang sinabi nito. Nanahimik na lang ako at tumingin sa labas ng bintana dahil naba-blangko na naman ang isip ko. Kusa talagang bumabalik sa isip ko ang sinabi ng Teacher namin.

Parang nawala ang mga pinag-iisip ko nang mag-pa-quiz 'yong Teacher namin. Lagi na lang may pa surprise quiz! Alam niyo sa lahat ng surprise, ito 'yong hindi ko gusto.

Nag-mine-myni-mo na lang ako ng sagot. Naka-earphones ako at nag-patugtog ng kanta habang lutang ang isip.

"Oh, when you walk by every night, Talking sweet and looking fine I get kind of hectic inside," mahinang kanta ko at tumingin ulit sa bintana. "Baby, I'm so into you, Darling, if you only knew. All the things that flow through my mind."

Ganda talaga ng kanta ni Mariah Carey... parang ako lang. Ang ganda.

"But it's just a sweet, sweet fantasy, baby. When I close my eyes, you come and take me. On and on and on, it's so deep in my daydreams. But it's just a sweet, sweet fantasy, baby—" Napatigil ako dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin.

Tumingin ako sa katabi ko na si Phoenix. Yes, katabi ko siya ngayon. Pinalayas niya si Dash at doon naupo sa tabi ko. Kanina pa rin kami nagdadaldalan—gaguhan to be exact. Sa kaniya rin ako humingi ng papel, wala kasi akong dala. Napagalitan pa nga kami ng Teacher, e.

"What?" Tanong ni Phoenix na nakatingin sa akin at halatang kanina pa nakikinig.

Hindi ako nag-salita at humarap na lang ulit.

Tangina! Nakikinig pala siya! Nakakahiya!

"Kahiya," bulong ko at rinig ko naman ang mahina niyang tawa.

Kaso akala hanggang doon na lang. Pero hindi. . . dahil nang-asar pa siya. At napag-usapan rin namin ang about sa kaniyang green eyes.

"Your voice is a bit beautiful," sambit niya habang nagsusulat.

"Ano'ng 'bit'? Hindi lang bit ang ganda ko."

Sobrang ganda ko kaya!

"Hindi halata sa 'yo. Ang pangit mo." Masama akong tumingin sa kaniya. "What?"

"Hindi ako pangit. Maganda ang lahi namin. Duh..." irap ko. "Pero ikaw... green ang eyes mo. Ano ang lahi mo?" Sigurado akong may lahi siya.

"My Dad has European blood, he inherited it from my grandfather," sagot niya.

Tumango ako nang dahan-dahan. "Buti namana mo, 'no?"

Bagay sa kaniya ang green na mata. Halatang-halata na may lahi siya.

"Yeah... malakas ang lahi namin. Gusto mong magpalahi?" Ngumisi siya.

Huh? Paano 'yon?

"Huh? Paanong magpalahi?" Inosente kong tanong.

Napawi ang ngisi sa labi niya.

Umiling siya. "Nothing."

Para siyang tanga, hindi ko siya gets.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now