"Then, do what I said."

Napairap ako sa hangin. Gagawa ako ng paraan para hindi mo malaman. Mindset ba!

Mabilisan lang ang pagkain ko dahil ayaw ni Papa na mahuli ako. Hindi ako hinatid ni Kuya dahil mapapalayo siya at mahuhuli kapag sumabay ako, ngayon yata ang meeting niya sa Makati dahil hindi natuloy kahapon. Gano'n din si Papa kaya wala na akong nagawa. Another commute na naman ako.

Sumabay ako kay Kuya hanggang sa labas ng Village. Magje-jeep na lang ako papunta sa bagong papasukan ko.

"Bye!" Kumaway ako kay Kuya.

"Bye... mag ingat ka. Tanga ka pa naman," mapangasar na ngumisi si Kuya bago isara ang bintana. Sinundan ko pa siya ng tingin.

Ang sama ng kapatid ko.

Tumingala ako sa langit at nagsalita, "Lord, pahingi naman akong kapatid, 'yong mabait sana." Tinanggal ko ang blazer ng uniform ko dahil sa init. Kaartehan rin ng school na 'to.

Dumaan muna ako sa 7 eleven para bumili ng lollipop na chupa chups. Hindi ako tumitingin sa daan kaya nauntog ako sa may poste. Humawak ako sa noo dahil sa sakit. Narinig ko pa ang tawa ng bata pero hinayaan ko na lang.

Sumakay na ako ng jeep nang makabili, medyo nahihirapan akong huminga dahil nasa gitna ako ng dalawang chubby na babae. Pinuno pa ang jeep. Mas lalo akong hindi makahinga nang pinag-pilitan ng barker na kasya pa raw.

Mabuti na lang at mabilis kaming nakarating sa School na papasukan ko dahil hindi ko na kaya! Halos mapipi ako sa loob. Medyo masakit din ang noo ko dahil nauntog ako sa sarili kong katangahan.

"ID mo?" Tanong ng guard.

Kakaenrol pa lang, eh. Sa bagay, mukhang hindi niya namumukhaan ang lahat ng estudyante kaya akala niya matagal na ako rito.

Umiling ako. Tinanggal ko ang lollipop ko sa bibig at nagsalita. "Wala pa po," sabi ko at pumasok.

Totoo naman, eh. Wala pa akong ID, sabi ni Papa baka ngayon ko pa makukuha o baka sa susunod na araw. Panay ang tingin sakin ng iba. May isang babae pa akong nakita na sobrang lakas mang-irap.

Akala mo naman ikinaganda niya, mukha naman siyang paa na may alipunga.

Sinubo ko na ang lollipop ko at nag-lakad papunta sa Registrar Office para kunin ang section ko. Naliligaw ako kaya tinanong ko ang isang lalaking inaayos ang buhok niya. Matangkad rin ang lalaki.

"Pst!" tawag ko nang paaalis siya.

Hinanap niya ako at tumigil ang paningin niya sa akin. Infairness pogi siya kaso mukhang babaero kaya 'wag na lang.Pass sa mukhang babaero at sa talagang babaero. Nadali na ako noon at hinding hindi na maulit 'yon.

"Ako ba tawag mo?" Turo niya sa sarili.

Siya lang naman 'tong nasa harapan ko pero sumagot nalang ako ng maayos para walang away. Sa itsura niya mukhang palagi siyang naghahanap ng gulo pero pogi.

Tumango ako. "Saan dito 'yong Registrar Office?"

"Transferee ka ba dito?" tanong niya.

Dapat bang sagutin ang tanong ng isa pang tanong?

Tumango ulit ako.

The Girl in Worst Section (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat