“Uyyyyy kinilig!”

 

“Bakit mo ko kiniss?”  

“Sorry na! mapapatawad mo ba ako?”  sabi nito na nang-iinis pa.

“Hindi!”

 

“MM?”

 

“Gaganti ako!”

 

“H-ha?”

 

Sa halip na sumagot e mabilis ko s’yang hinalikan.

“Aba, kailangan ko atang gumanti ulit.” Sabi ni Jessie. Tapos sabay kaming nagtawanan.

Pagkatapos ng maghapong paglalakbay umuwi na kami ni Jessie. Nakaupo kami sa labas habang nakatingin sa langit.

“Si Iscah kamusta s’ya?”  tanong ko.

“Ayun, ang kulit palagi ka n’yang hinahanap.”

 

“Mas mabuti na sigurong nandun muna si Iscah, ayokong madamay s’ya sa nangyayari sakin.”

 

“Wag kang mag-alala hindi yun pababayaan ng tito James n’ya.”

 

“Tama ka!”

 

“Madilim na rin siguro pagod ka na. magpahinga ka na.” sabi nito tapos inalalayan na ako papasok sa bahay.

“Jessie, samahan mo kong matulog ngayong gabi.”  Sabi ko. Tumango naman ito tapos tumabi na sakin. Magkaharap kami habang nakahiga.

“Masaya ka ba?”  tanong nito sakin. Tumango naman ako bilang sagot.

“Mahal na mahal kita, Jennica.” Sabi nito tapos muling naglapat ang labi namin at ng matapos hinalikan ako nito sa noo bago ito tuluyang pumikit.

“Jessie, mahal kita patawarin mo ako sa mga nagawa kong pagpapahirap sayo! Ginawa ko lang yun dahil ayokong mahirapan ka pa ng dahil sakin. mahal na mahal kita Jessie wag mo na akong iiwan ulit. Wag ka ng mawawala sakin.” Sabi ko. Pero hindi ito sumagot siguro tulog na talaga s’ya. Sasabihin ko na lang ulit lahat ito pagkagising n’ya.

-=Jessie=-

Dahan dahan akong dumilat ng maramdaman kong tulog na si Jennica. Narinig ko ang lahat ng sinabi n’ya. Natutuwa akong marinig lahat yun. Pero wala akong lakas ng loob para mangako. Kaya ginusto ko na lang na magpanggap na tulog.

“Paalam, Jennica.”  Bulong ko bago ko tuluyang umalis. Papunta ako ngayon sa lugar kung saan gusto ni Edmond na magkita kami.

*Flashback

 

Naiplano ko na ang lahat nakausap ko na si Jericho, Justine, Ken at Vincent. Paalis na ako para pumunta sa pagdadalan nila kay Jennica ng makatanggap ako ng tawag.

*Unknown calling..

Ako: “Hello?”

 

Unknown: “Hello, Jessie!”

 

Ako: “Edmond?”

 

Unknown: “Ako nga! Wala ka ng galang! Hindi mo na ako tinatawag na tito.”

 

Ako: “Demonyo ka! Kahit kailang hindi dapat igalang ang mga katulad mo!”

 

Unknown: “Tsktsk natulad ka na kay Jennica, masama ang ugali!”

 

Ako: “Hayop ka ikaw ang masama ang ugali.”

 

Unknown: “Sige, na napatawag lang ako para sabihing alam ko na kung saan nakatira si Jennica.”

 

Jessie: “Hayop ka! Wag mong gagalawin si Jennica!”

 

Unknown: “Madali naman akong kausap e. pumunta ka sa sasabihin kong lugar mamayang 11pm ikaw lang wag kang magsasama kundi alam mo na kung anong mangyayari kay Jennica.”

 

Jessie: “Hayop ka talaga!”

 

Unknown: “Thankyou!”

*End of Flashback.

 

Ngayon sisiguraduhin kong tatapusin ko na si Edmond.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon