“Ken?”

 

“Hi, Jennica, aalis na kami ni Jazz, maiwan ka na namin d’yan.” Sabi ni Ken. Hanggang sa ako na lang ang naiwan mag-isa.

“Kahit kailan talaga epal ka!” sigaw ni Jessie mula sa kabila. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko parang gusto kong maiyak. Pero bago pa ako tuluyan maiyak nagulat ako ng biglang tumawid si Jessie.

“Jessie, wag kang tumawid delikado!” hindi napigilang sigaw ko. Pero para itong bingi tuluyan pa rin itong tumawid ako nagmistulang bantay sa mga padaang sasakyan bago pa ito makalapit sakin isang mabilis na truck ang paparating at siguradong aabutin si Jessie.

“Jessie!” sigaw ko tapos tumakbo ko palapit sa kanya at tinulak s’ya. Napaharap ako sa truck bago ako napapikit ng makita ko kung gaano ito kalapit sakin. Tunog ng preno ang narinig ko tapos napadilat ako at nakita ko kung gaano kalapit sakin ang truck dahilan para manlambot ang tuhod ko at mapaupo sa sahig. Kinabahan ako ang akala ko katapusan ko na.

*Piiit piiit…

 

Muli akong napatingin sa truck ng bumusina ito at ngayon ko lang nakita na si Justine ang nagmamaneho nito tapos may nakasabit sa harap na malaking tarpaulin.

Happy Valentines day I love you MM

 

Nang mabasa ko yun tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Maya-maya pa yakap yakap na ako ni Jessie.

“Natakot ba kita MM?”

 

“Nakakainis ka talaga!” sigaw ko sabay hampas sa dibdib nito. Tapos niyakap n’ya ako. Unti-unting naglapat ang labi naming dalawa hanggang sa bigla akong bumalik sa katinuan ko ng marinig ko ang mga busina ng sasakyan.

“J-Jessie, mali ito.”  Sabi ko. Tapos nagmamadali na akong tumayo tapos tumakbo ako.

“MM, sandali lang!”  sigaw nito tapos napahinto ako sa pagtakbo.

“Pwede mo bang ibigay sakin ang araw na ito? Kahit ngayon lang? pwede ba tayong magpanggap na nasa dating buhay pa rin tayo? Hindi pa tayo nagkakasira, hindi pa tayo nagkakagulo? Masaya lang tayo? Kahit ngayon lang Jennica? Pagkatapos nito palalayain na kita.” Dahil sa mga sinabi nito dahan dahan akong napalingon sa kanya.

“Jennica, pwede ba?” ulit na tanong nito. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napatango. Kaya sinugod ako nito ng yakap.

“MM, Mahal kita.” Sabi nito. Niyakap ko lang s’ya bilang sagot.

 

 Naglakad lakad kaming dalawa hindi namin alam kung saan kami pupunta basta magkahawak kamay kaming naglalakad.

 

“Ano ba yang itsura mo MM? akala mo ba maganda ka d’yan?”  masungit na tanong nito.

“Kunwari ka pa! ikaw ang nagpadala nito. Ang sabihin mo gustong gusto mong Makita itong sexy boooooody ko!”

 

“Haha, ang kapal ng d’yosa ng mga tikbalang.”

 

“D’yosa ng tikbalang pala ah!” sabi ko tapos pinagkikiliti ko s’ya.

“MM, ano ba nakikiliti ako tama na… ahaha tama na sabi!”  natigil ako ng biglang magtama ang mukha naming dalawa.

“Uyyyyy crush ako!”  pang-aasar ko. Pero sa gulat ko bigla ako nitong hinalikan sa labi. Halos dampi lang yun pero ang lakas ng epekto sakin.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Where stories live. Discover now