“Oo, delikado ka na sa bahay na ito. alam na ni Edmond na dito ka makikita dapat sumama ka na kay Jessie, bumalik na kayo sa manila.”

 

“Hindi ko gagawin yun.”

 

“Bakit ba hindi mo mapatawad yung tao? Wala naman s’yang kasalanan sayo!”

 

“Wala s’yang kasalanan sakin. pero mas mabuti na yung ganito ayoko ng may ibang tao pang madamay.”

 

“Nica! Bakit ba ganyan ka mag-isip?”

 

“Anong mali sa sinabi ko?”

 

“Alam mo simula ng makilala mo si Jessie damay na talaga s’ya sa buhay mo! pinahihirapan mo lang yung tao. Kung nandito kayo wala talaga s’yang laban magugulpi at magugulpi lang s’ya dito. Kung nandun kayo sa manila sa bahay ni Jessie hindi kayo basta basta mapupuntahan ng demonyong matanda na yun. Mag-isip ka nga!”

 

“James, buo na ang desisyon ko.”

 

“Bahala ka nga ang kul-.”

“JENNICA!”

 

Sabay kaming napalingon ni James ng marinig namin ang boses ni Jessie.

“Wala akong nagawa nang magising s’ya pinabalik n’ya ako dito.”  Pagpapaliwanag ni Dennis.

“Jennica, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba? Anong ginawa n’ya sayo? Sabihin mo sakin!” sabi nitong halata sa mukha ang pag-aalala. hindi ko naman s’ya sinagot lumabas ako para makausap s’ya ng maayos hindi ko magagawa yun kung nandun si Dennis at James. Sumunod naman agad si Jessie sakin.

“Jessie, ayos lang ako.”

 

“Buti naman. Nag-alala talaga ako. pagkagising ko ikaw agad ang hinanap ko ang akala ko nakuha ka nanaman n’ya. Jennica, hindi ka na ligtas sa lugar na ito. halika na sumama ka na sakin.”

 

“Jessie, mas mabuti pang bumalik ka na sa manila.” Sagot ko.

“P-pasensya ka na sa sinabi ko, hindi kita pipilitin kung ayaw mo sasamahan na lang kita dito.”

 

“Jessie, hindi ka ba makaintindi? Ang sabi ko umuwi ka na! ikaw lang hindi ako kasama!”

 

“Jennica, wag ka naman ganyan! Alam mo namang hindi ko magagawang iwan ka. Kailangan nandito lang ako para bantayan ka.”

 

“Bantayan? Wala ka ngang nagawa kanina! Hindi mo nga nailigtas ang sarili mo sa mga kalaban mo!”

 

“Ayun ba? Pasensya ka na! sa susunod hindi na ako papalpak pangako hindi ko hahayaan na mahawakan ka pa ulit ng demonyo na yun!”

 

“Jessie, pagod na pagod na ako. gusto ko ng makalaya! Gusto ko ng tapusin ang lahat ng ito! parang-awa mo na!”

 

“Jennica, makakalaya ka rin sa hayop na yun pinapangako ko sayo.”

 

“Hindi mo naiintindihan! Hindi lang sa kanya pati sayo! Palayain mo na ako Jessie. habang lumalapit ka sakin lumalapit din si Edmond. Dati tahimik na ang buhay ko pero nang dumating ka bumalik din s’ya. Jessie, palayain mo na ako! hayaan mo na akong mabuhay mag-isa kasama ang anak ko. maawa ka samin ng anak mo! ito na ang pangalawang pagkakataon na makikiusap ako sayo.”

 

“Iba na lang ang ipakiusap mo sakin.”  sabi nito sabay talikod.

“Ano ba Jessie? bakit ba hindi mo mabigay ang gusto ko? Simple lang ang gusto ko. aalis ka lang at hindi ka na magpapakita sakin. ganon lang ka simple.”

 

“Sana naging kasing tigas ng puso mo ang puso ko! Sana ganon lang nga kasimple ang hinihingi mo, para mo na rin sinabing mamatay na lang ako. Hindi na kita maintindihan, alam kong mali ang ginawa ko, pero Jennica, kailan mo ba ako mapapatawad? Ang pagkakamali ko lang naman e ang ipamukha sayo na hindi kita mahal! Pero nandito ako sinasabi sayo kung gaano kita kamahal pinapakita sayo kung gaano ka kaimportante. kulang pa ba yun? Jennica, ang sakit sakit na. hirap na hirap na ako. ramdam na ramdam ko na ang hirap na pinagdaanan mo. pero alam mo ba kung anong napatunayan ko sa mga pinaggagawa ko na ito? nalaman ko na kaya ko pa lang mabuhay kahit gaano kahirap basta nandyan ka sa tabi ko. kesa sa mga panahon na halos mamatay na ako sa kakaisip sayo! Jennica, Mahal na mahal kita! Kailan ka maniniwala ron? Ano pa bang kailangan kong gawin para maniwala ka lang na mahal kita!”

 

“Ibigay mo ang kalayaan ko kung talagang mahal mo ko.” sabi ko, kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. pero sa halip na sumagot pumasok ito sa loob ng bahay ko. nagtataka man nanatili akong nakatayo sa pwesto ko.

“J-Jessie ano yan!” narinig kong sigaw ni Dennis.

Lumapit sakin si Jessie dala ang isang kutsilyo.

“Kung yan talaga ang gusto mong mangyari sige, ibibigay ko. pero patayin mo muna ako kasi hindi ko kaya. Hindi ko kakayaning mawala ka nanaman sakin.” sabi nito kasabay ng pag-abot ng kutsilyo sa kamay ko.

“J-Jessie.”

 

“Ano? Bakit hindi mo pa ako patayin. Diba madali lang sayo ang mawala ako? e di gawin mo na? ako naman ang nagmamakaawa gawin mo na! kung ito lang talaga ang basehan mo para maniwala kang mahal kita, sige na patayin mo na ako tapos Malaya ka na.”

I love you even when I hate you (COMPLETED)Where stories live. Discover now