Nakita ko naman si Iscah na ngumingisi habang nakatingin saming dalawa. Hindi na lang ako sumagot dahil mukhang wala akong panalo sa isang ito. Dinampot ko na lang ang walis at nagumpisa ng magwalis. Nakikita ko naman na tumutulong itong dumampot ng mga tuyong dahon na nahulog sa lupa. Pero hindi ko na lang s’ya pinansin. Nang matapos magwalis nag pahinga ko sa upuan sa ilalim ng puno tumabi naman si Iscah, si Jessie naman naupo sa lupa pero nakaharap samin ni Iscah.

“Sir, bakit ka nakangiti?” tanong ni Iscah.

“Ang ganda kasi ng tanawin dito.”

 

“Sir, naman o! maliit na bagay!” sabi ni Iscah tapos tawang tawa naman si Jessie. bahagya rin akong natawa pero pinigilan ko.

“Sir, bakit ka ba nandito?”

 

“Dito na ako titira!”

 

“Saan po?”

 

“Dito.”

 

“Sa labas ng bahay namin?”

 

“Oo.”

 

“Grabe po totoo pala yun mayaman na naghihirap pa.”

 

Oo, kaya wag mo na akong tawagin sir, dahil hindi mo na ako sir!”

 

“Ganon po ba? E ano na lang po ang itatawag ko sa inyo?”

 

“Taytay!” sagot nito. Dahil sa sinabi nito bigla akong napatingin kinabahan ako sa kung anong magiging reaction ni Iscah.

“Taytay? Hindi naman ikaw ang taytay ko.”

 

“Kahit na hindi ako. hindi ba pwede yun?”

 

“Hindi po.”

 

“Bakit naman? Ano bang pinagkaiba namin?”

 

“Sabi ng naynay, ubod sa gwapo raw po ng taytay ko tapos sobrang bait at mahal na mahal ng naynay.” Sabi ni Iscah. Pakiramdam ko uminit ang mukha ko. dahil sa hiya.

“Hahaha ganon ba? E di pareho lang pala kami ng taytay mo! gwapo, mabait. Hindi ko lang alam kung mahal ako ng naynay mo.”sagot nito na bahagya pang tumingin sakin.

“Nay-.”

 

“Pumunta ka na sa CR at maghugas ka ng kamay!” sagot ko naman na hindi na pinatapos ang sasabihin ni Iscah. Nang makaalis ito saka ko hinarap si Jessie.

“Ano ba talaga ang gusto mo?”

 

“Kayong dalawa!”

 

“Jessie, ano ba? Hindi ako nakikipagbiruan sayo!”

 

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon