Broken 1 - Ain't Over

242K 3.8K 458
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

*Mago's POV*

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Madaling araw na naman kasi akong nakatulog kagabi dahil sa kasama ko. Ayoko sanang sagutin kaso makulit ang tumawag, ayaw akong tantanan kaya itinabi ko muna ang babaeng nakapatong sa likod ko saka ko inabot ang cellphone.

"Boss Mago!" bulyaw sa kabilang linya ni Dessa.

"Dessa ang aga," reklamo ko.

"Anong maaga? Alas onse na! Tumawag lang ako para ipaalala sayo na ngayon ang dating ng bagong investor ng bar," saad ni Dessa.

Agad akong napabangon dahil sa sinabi niya. Ngayon ko nga pala kakausapin ang mga Singaporean investors. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at naisipan kong mamaya ko na lang to liligpitin. Ginising ko ang babaeng malapit sa akin.

"What?" umunat siya habang nagsasalita.

"You need to go," utos ko, "I have a very important meeting to attend to."

"Can we just stay here?" nakapikit pang sagot nito.

"No!" niyugyog ko siya ulit, "you too," niyugyog ko rin ang babaeng nasa paanan ko, "and also you," tinapik ko rin ang isa na nasa gitna.

"Pero medaling araw na tayong natapos," reklamo ng isa, "mamaya na lang kami aalis."

"Sorry -" napahinto ako dahil hindi ko maalala ang pangalan niya, "I am really in a hurry. You really need to leave this instant."

Padabog na tumayo ang isang babae habang tamad naman na bumangon yung nasa paanan. Humilata muna yung pangatlo bago ito bumangon. Isa-isa nilang pinulot ang mga damit nila habang agad naman akong tumongo sa banyo.

Ito ang buhay ko mula noong gabing iyon. That night was a nightmare and I would do everything not to go to that nightmare.

*flashback*

Ipaglalaban ko sana ang akala kong pagmamahal na nararamdaman ko para kay Arlene pero pumasok ang taong nagpatunay na kailanma'y hindi ako maaaring magmahal kanino man. "Saan ang boyfriend ni Arlene? Gusto kong mameet," magiliw niyang saad.

"Mommy?" tanging nasambit ko.

Nilingon niya ako at naramdaman ko ang panginginig ng kanyang boses nang sinabi niyang, "M-mago?"

Napako ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko inaasahan ang ganito. Bumalik lahat ng pait na ala-ala: ang pagkukulong ko sa kabinet sa tuwing naririnig kong saktan siya; ang pag-alis niya sabay pangakong babalikan niya ako; ang paglimot niya sa akin at pagkakaroon niya ng sarili niyang pamilya; at ang pagtaboy niya sa akin noong lumayas ako kay Daddy para lamang makasama siya.

Lumapit siya sa akin at tinangkang hawakan ako pero umatras ako at di napigilan ang pagluha. Bakit hindi ko man lang naisip na posibleng si Arlene ang batang babae na masayang kasama niya sa veranda noong pinagmamasdan ko lang sila sa labas ng kanilang bahay. Masaya silang magkakasama habang nalulunod naman ako sa katahimikan ng bahay namin.

Hindi ako kapos sa pera at nabibili ko lahat ng gusto ko pero uhaw ako sa pagmamahal sa magulang. Simula noong umalis si mommy, hindi na ako kinakausap ng sarili kong ama. Pati ako ay kinamumuhian niya. Tanging si Nana na lamang ang nagmamahal sa akin pero pati siya ay umalis na rin. Hinalay ito ng ama ko at binayaran upang hindi na magsampa ng kaso. Mula noong umalis si Nana ay naging mahilig ako sa pag-gigitara. Music is my outlet. Doon ko nilalabas ang lahat na sama ng loob ko.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon