Broken 18 - Bring the Pain

270K 3.9K 349
                                    


Broken 18 – Bring the Pain

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

*Arlene's POV*

Napakagat ako ng labi habang iniisip ko ang mga nakaraang nangyari sa amin. Isang linggo pa lang ang lumipas pero hindi ko na mabilang kung ilang beses naming ginawa ang mainit na pagtatalik namin. Napailing na lang ako ng mapalingon ako sa bar ng bahay. Hindi ko malimutan ang unang beses naming gawin yun doon. Hating gabi na at inakala naming tulog na si Aling Naina kaya noong ginawa namin yun, si Aling Naina na lang ang umiwas ng tingin dahil ang walang hiya kong asawa ay hindi nagpatigil. Ayaw daw niyang mabitin kaya ipinagpatuloy niya ang ginagawa niya. Ibang klase talaga si Mago, walang sinasantong lugar o oras, kahit saan at kahit kailan siya makakaramdam ng libog ay basta na lang titira. Ako naman tong gaga na hindi rin nag-iisip. Simulan lang ni Mago, nawawala na rin ako sa sarili.

I visualize our house. Inaalala ko kung may bahagi ba ng bahay na hindi namin nagawan ng kababalaghan. Wala ata. Mula sa main door patungo sa hagdanan, pati ata sa harden at sa pool, lahat may nangyari.

"Arlene," lumakas na naman ang kabog ng aking dibdib. Bakit ba sa tuwing tatawagin niya ako ay pakiramdam ko may mangyayari na naman? Hindi na ako sumagot pero pumihit ako para harapin siya pero nagulat ako dahil agad niya akong hinalikan. Dampi lang yun pero binuhay nito ang bawat selula ng aking katawan.

"Ano yan?" nabaling ang tingin ko sa mga tauhang may dalang mga sofa at couch.

"I am adding furnitures for the bar," saad niya, "gusto kong dagdagan ng comfortable seats ang mga customers."

"Sir," lumapit ang isang tauhan, "saan po namin ito ilalagay?" tukoy nito sa isang pandalawahang upuan.

"Ilagay niyo yan sa toilet," saad ni Mago saka tinuro ang daan papuntang toilet.

"Couch para sa toilet?" puna ni Dessa.

"I want our customers to be comfortable kahit saan sila magpunta dito sa bar," saad ni Mago, "kaya magdagdag tayo ng tauhan na tanging paglilinis lamang ng toilet ang assignment."

"Noted," saad ni Dessa, "sa toilet ko i-aassign ang bagong hire na tauhan."

"Paano mo masusukat ang pagiging komportable ng toilet?" tanong ko.

Nakita ko siyang lumingon muna sa paligid saka lumapit at bumulong sa akin, "bibinyagan natin ang couch mamaya. Kung makakatagal tayo doon, ibig sabihin, komportable ang toilet."

Namula ako ng marinig ang sinabi ni Mago. Seriously? Gagawin talaga namin yun sa toilet? Nagkibit balikat ako. Bakit naman hindi? Nagawa na namin sa loob ng cabinet, sa backstage, sa music control room, pati sa counter ng bar nagawa na namin, sa couch pa kaya na pinalagay niya sa loob ng toilet? With Mago, hindi imposible yun.

"You are blushing, Arlene, " saad niya habang hinapit ako sa bewang.

Napayuko ako dahil sa hiya pero hinawakan niya ang aking baba saka ito itinaas upang magtama ang aming mga mata, "don't hide that red face," saad niya sa garalgal na boses, "I like to watch you that way. It tells me how much my presence affected you."

"Dati naman akong ganito kapag ikaw na ang kasama ko," saad ko.

"Kaya huwag mong ikahiya," saad niya, "gusto kong makita ang bawat reaksyon ng katawan mo sa bawat galaw na ginagawa ko," sabi niya saka bumaba ang kanyang mukha sa gilid ng mukha ko saka niya mahinang kinagat ang tenga.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon