Breaking 19 - The Valderama Brothers

246K 4.1K 250
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Arlene's POV*

Tahimik ang kasama kong sumunod sa akin habang patungo ako sa bahay nina Dessa. Huminga ako ng malalim saka ko kinatok ang pintuan.

"Sandali lang," narinig kong sambit ni Dessa mula sa loob.

"Arlene?" halatang nagulat si Dessa nang mabuksan niya ang pinto, "Boss Mago," tumango siya sa katabi ko, "bakit kayo naparito?"

"G-gusto sanang kausapin ni Mago ang kuya Dee-vyn mo," saad ka habang tumagilid kasi nakita kong dadaan ang kuya niya.

"Ay oo nga pala, Kuya," tinapik ni Dessa ang kapatid niya, "Si Arlene, kasama ko sa bar at yung boss namin, si Boss Mago."

"Hi," ngumiti ito at inabot ang kanyang kamay, "Dee-lan po, ang inyong linkod," saad niya at nilagay ang kamay sa dibdib matapos makipagkamayan sa akin.

"Umalis ka na nga! Huwag mong pagdiskitahan tong kaibigan ko," tinulak siya ni Dessa pero tumawa lang ito at hindi natinag.

"Pasensiya na kayo," paumanhin ni Dessa, "heartbroken kasi yan kaya malandi. Isang buwan na kasing hindi nakakausap ang ka-LDR niya."

"LDR?" nakangising saad ng katabi ko, "naku mahirap yan pare."

"Oo nga eh," napakamot naman sa batok si Dee-lan, "pero baka naging busy lang sa modeling career niya."

"Pero isang buwan kang hindi kinausap," inirapan ni Dessa ang kapatid, "ang sabihin mo, pinapaasa ka lang ng girlfriend mo! Isang linggo lang nakaapak sa Europa, nakalimutan ka na."

"Siya ba yung dinala mo sa bar noong isang buwan?" tanong ni Mago.

"Oo," nahiyang ngumisi si Dee-lan, "siya yung nag-despidida."

"Hanep! Sa Europa pala ang punta ni," napaisip si Mago, "sino nga ba yun?"

"Sarah!" mataray na sagot ni Dessa, "Sarah Jane Canlas."

"Sarah Jane Canlas?" napaisip ako, "siya ba yung bagong nanalo sa Asia's Next Top Model?"

"Siya nga at itong magaling kong kuya ang ever supportive secret boyfriend niya kasi baka raw makaapektohan ang pagsali niya sa contest," paliwanag ni Dessa.

"Ang ganda naman pala ng girlfriend mo," ngumiti ako kay Dee-lan na ngayon ay halatang nalulungkot.

"Correction! Ex-girlfriend," saad ni Dessa, "matapos niyang supportahan ang engratang babaeng yun pinangakuan lang siyang mag-iipon daw ito para makasunod siya sa Europa, eh kaso, isang linggo pa lang sa Europa ay hindi na agad nagparamdam."

"Mahirap yan, pare," saad ni Mago, "marami pa namang lalaking modelo na nakapaligid sa kanya doon."

"Shh!" siniko ko si Mago, "alam mo namang heartbroken, dinagdagan mo pa."

"Okay lang yan," sabi ni Dessa, "para magtanda siyang huwag magpalokong muli."

"Hindi ganyan si Sarrah," mahinang sagot ni Dee-lan, "baka may nangyari kaya hindi niya nasagot ang mga messages ko," patuloy niya, "sige, maiwan ko muna kayo."

"Hay," bumuntong hininga si Dessa, "kaya nga ayokong mainlab eh. Sakit sa puso. Tingnan mo nga yan," nakatingin siya ngayon sa kuya niyang palabas na ng gate, "kaliwa't kanan ang kinukuhang trabaho para makaipon lang dahil susundan daw niya si Sarah sa Europa."

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon