Broken 5 - Between Fear and Blame

221K 4.1K 233
                                    


www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

AN: Kailangan ko po ang pag-unawa ng readers para sa mga Broken Chapters ng TWHB. Kailangan open-minded kayo at handa sa kung anuman ang mga mangyayari dito. Sa mga bata, gawaing mag-asawa po ang nandito... I DO NOT PROMOTE PMS, kaya huwag sana maging bad influence itong sulat kong ito.


*Arlene's POV*

Tamad akong bumangon saka pumasok ng banyo. Hanggang ngayon, pakiramdam ko nandiyan pa rin ang mga marka ng mga kamay ni Mago sa katawan ko. Ayoko sanang maligo dahil baka mawala ang pakiramdam na iyon, pero hindi naman pwedeng ganun. Paano kung biglang maisipan ni Mago na halikan ako? Paano kung itutuloy niya ang ginawa namin? Nakakahihiya naman kung mabaho ako.

Hindi ko maalis sa isip ang nangyari kagabi. Para lang kasi itong panaginip na gusto kong ulit-ulitin. Napangiti naman ako sa isipang pumayag siya sa deal. Hindi ko alam kung mananalo ako sa deal na yun, pero magbibigay ito ng sapat na panahon upang mapabago ko ang isip ni Mago. He is the broken man and I am the temptress that would mend it.

Faded jeans at white tank top ang isinuot ko saka ko tinali ang buhok into a messy bond. Naglagay lang ako ng konting lip and cheek tint saka face powder. Ayokong isipin ni Mago na sobra akong nag-eeffort pero ayoko rin namang maging pusang gala sa paningin niya. Huminga muna ako ng malalim saka lumabas ng hagdanan.

Agad kong nakita si Mago na umiinom ng kape sa kitchen counter. Tahimik na rin akong naglakad papunta ng refrigerator. Kumuha ako ng almond milk at nagsalin sa baso. Naisip ko sanang magluto kaso baka hindi na naman siya kakain tulad kahapon.

"May lakad ka ba ngayon?" naghuramentado ang puso ko nang marinig kong kinausap niya ako. My very own diety has spoken to me.

"Arlene," napatalon ako ng tinawag niya ang pangalan ko, "I am asking you, may lakad ka ba ngayon?"

"Huh? W-wala," nawala lahat ng salita sa isip ko. Pakiramdam ko, tanging 'Mago' lamang ang alam kong salita.

"Good," saad niya at nabalot muli kami ng nakakabinging katahimikan.

"May lakad ka?"

"Samahan mo ako."

Sabay kaming nagsalita.

"I have some few things to buy for the office," nagpatuloy siya, "I just thought I could use some help."

Napangiti ako dahil first time ito na magkasama kaming magshoshopping. Ako at si Mago, magshoshopping. Parang mag-asawa lang. Natawa ako sa naisip ko. Mag-asawa naman pala talaga kami.

"Ano ang nakakatawa?" matabang na tanong niya kaya agad akong napalingon sa kanya. Kunot ang noo at seryoso ang mukha niya. Minsan gusto kong lapitan siya at hilotin ang kanyang mukha para ngumisi ito.

"W-wala," napayuko na lang ako.

"Huwag mong isipin na ginagawa mo ang wife-duties," saad niya, "isasama kita dahil pinermahan ko na kahapon ang kontrata ng merging. Ibig sabihin, you are going to need your own table and other office needs."

Bumaliktad ang ngiti ko nang malamang parte lang pala ng trabaho namin ang dahilan kung bakit niya ako isasamang mag-shopping.

"Ready?" saad niya habang nilagay ang kanyang kopeta sa dishwashing machine. Tumango lang ako saka sana ipasok din ang basong ginamit ko pero siya na mismo ang kumuha nito. Wala lang sa kanya ang ginawa niya pero nagpapaligaya ito sa akin. Wala siyang imik na pumihit at nagderederetsong lakad palabas ng bahay.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon