Bliss 7 - Break Down the Walls

272K 3.8K 272
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group 


*Arlene's POV*

Nagising ako nang maramdaman ko ang paghawi niya sa buhok kong nakatabon sa aking mukha. Matapos niyang matagumpay na maialis ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko ay mahina niyang hinaplos ang aking pisngi gamit ang kanyang daliri. Imumulat ko sana ang aking mga mata ngunit may binulong siya kaya naisipan kong magpanggap na tulog.

"Napakalaki kong gago dahil sayo ko binuntong ang galit ko sa ibang tao," naramdaman ko ang buntong hininga niya, "I am so sorry for being such a jerk. Sana bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon. Pinapangako kong gagawin ko ang lahat na makakaya ko upang buohin ka ulit. Kung kailangang magpaka-alila ako, gagawin ko. Mahalin mo lang ako ulit. Arlene, hindi lang para sa akin kundi para sa magiging anak natin."

Naiiyak ako sa narinig ko ngunit napagod na ako. Nakakapagod na kasing umiyak. Nakakapagod nang masaktan. Gustohin ko mang patawarin siya, hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ko. Naalala ko ang nangyari limang buwan ang nakaraan.

"Tigilan mo na nag kahibangan mo, Arlene," galit na saad ng aking ama, "pinagbigyan na kita noon. Sabi mo papatunayan mong mahal ka ni Mago. Tignan mo nga ang sarili mo? Mag-isa mong hinarap ang pagbubuntis mo samantalang ang ama ng dinadala mo ay patuloy pa rin sa pakikipaglandian sa ibang babae."

"Mago is just a broken man, Dad," pangatwiran ko, "pero siguro naman kapag makita niya ang anak namin, lalambot na ang puso niya."

"Lalambot?" namaywang si Dad, "kung mangyayari yan, dapat sana noong nalaman niya ang buong katotohanan."

"Hindi niya kasi alam kung nasaan ako," saad ko.

"Okay," bumuntong hininga si Dad, "sabihin na nating hindi niya alam kung saan ka hahanapin pero tama ba yung magtira siya ng ibang babae sa bahay niyo?"

"Ibang babae?" hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"Here," nilabas ni Dad ang isang brown envelope.

Ayoko mang tignan ito, pinipilit naman niya akong buksan ito. Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang brown envelope at yun nga, nakita ko si Mago na nakaupo sa sofa habang nakakandong naman ang babae niya. Tumingin ako sa taas upang pigilan ang pagtulo ng aking luha. Ayokong ipakita sa ama ko na umiiyak ako.

"Think about it, Arlene," seryosong saad ng aking ama, "if you care for yourself and for your child, spare yourselves from the pains this man would cause you."

Hindi ako kumibo habang inagaw naman ni Dessa ang hawak kong brown envelope.

"Tsk! Hindi na talaga mababago si Boss Mago," saad ni Dessa.

"Ikaw na bahalang kumausap sa kaibigan mo," utos ng aking ama kay Dessa, "sana magising na yan sa katotohanan."

Hinintay kung umalis ang aking ama bago ko hinarap si Dessa, "I still cannot believe this."

"May ebidensiya na," inilahad ni Dessa ang mga litrato, "ano pang klaseng katibayan ang hinihintay mo para ikaw na mismo ang lumayo?"

"Pwede kasing edited to o kaya dating litrato nakuha sa mga panahong hindi pa ako nakabalik sa bahay namin.

"Gusto mo bang makita ito ng mismo mong mga mata?" tumaas ang isang kilay ni Dessa.

"Yes," agad kong sagot.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon