Broken 11 - Only Exception

225K 3.8K 283
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

AN: Kailangan ko po ang pag-unawa ng readers para sa mga Broken Chapters ng TWHB. Kailangan open-minded kayo at handa sa kung anuman ang mga mangyayari dito. Sa mga bata, gawaing mag-asawa po ang nandito... I DO NOT PROMOTE PMS, kaya huwag sana maging bad influence itong sulat kong ito.


*Mago's POV*

"Missed me, baby?" agad na ipinulupot ni Sapphire ang mga kamay sa batok ko habang inilapit nito ang bibig sa tenga ko, "I hope you don't mind having my cousin around."

Hindi ako sumagot dahil agad kong sinakop ang mga labi niya habang hinagod ng mga kamay ko ang kanyang likod pababa sa matambok niyang puwit. Hindi ko alam kung bakit parang pinipilit kong ma-turn on ngayon; hindi naman kasi ako dating ganito. Ngayon, kailangan kong kumbinsihin ang sarili na masarap ang gagawin ko para lang ipagpatuloy ang halikang pinagsaluhan namin ng babaeng nasa harap ko.

Nakakainis dahil kanina, noong hinahalikan ko si Arlene, parang hindi ako makapaghintay na magpasabog pero hindi ko ito nararamdaman ngayon. Nagpatuloy ako sa pagtugon sa halik niya pero hindi ko akalaing kailangan ko pang isipin na si Arlene ang kahalikan ko para lamang ganahan ako sa ginagawa ko.

Inimulat ko ang mga mata ko dahil hindi ko nagugustohan ang pumasok sa isip ko. Napatuon naman ang tingin ko kay Leigh na ngayon ay naghubad na ng blusa. Pinilit kong pagnasahan ang katawan niya pero nagulat na lang ako nang makita ko siyang papalapit sa akin. Hindi kas si Leigh ang nakikita kong lumalapit sa akin; ang mapang-akit na imahe ni Arlene ang nakikita kong naglalakad patungo sa kinaroroonan ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata habang buong lakas na iniwaksi sa isip ang imahe ni Arlene pero mas lumala ang sitwasyon dahil tanging mukha lamang ni Arlene ang pumapasok sa isip ko.

Naramdaman ko ang paglipat ng mga labi ni Sapphire sa leeg ko habang hinawakan naman ni Leigh ang baba ko upang igiya ang bibig ko sa bibig niya. Gigil ko itong hinalikan habang pilit na libangin ang sarili sa sensasyong binibigay ng dalawang babae sa akin.

"Ouch!" saad ni Leigh nang makagat ko ang kanyang labi.

"I did not know you've become a sadist, Mago," garalgal niyang saad, "but I can play as your willing victim," saad niya habang binibigyan ng maliliit na halik ang aking baba, pataas sa aking panga hanggang umabot ito sa aking tenga pero napailag ako nang marahang kinagat niya ang tenga ko.

"What is wrong with you?" nainis na tanong ni Leigh.

"I-I am sorry girls," saad ko habang umatras palayo sa kanila.

"Come on, Mago," dismayang saad ni Sapphire, "We needed this!"

"Yeah, you're right," saad ko saka tinungo ang pinto.

"Anong joke ito?" inis na saad ni Leigh, "this is not you, Mago. You always satisfy your l-u-s-t!"

"Yeah," tinuro ko si Leigh, "tama ka rin. Hindi ko dapat pinaphirapan ang sarili ko."

"Then come back here and let's finish what we have started," bulyaw ni Sapphire.

"No," umiling ako, "I am not going to torture myself, anymore."

"Ano ba ang nakain mo at bigla mong hinindian ang s-e-x?" itinaas ni Leigh ang dalawang kamay niya.

"Sorry girls," ngumiti ako sa kanila, "I just happen to marry a lady sexier and lovelier than both of you," saad ko saka isinarado ang pinto.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon