Broken 20 - Fired Up

252K 4.1K 452
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Arlene's POV*

Tamad inimulat ang aking mga mata mula sa pagtulog. Ilang gabi na rin kasi akong puyat dahil walang pinipiling oras ang asawa ko. Hindi ko naman gustong tanggihan siya kasi baka umalis at maghanap pa ng kaligayahan sa ibang babae. Ito ang dahilan kung bakit ako hindi pumasok sa trabaho. Nararamdaman ko na kasi ang paniningin ng katawan ko kaya nagpaalam akong mag-leave na lang muna.

"Arlene?" tawag sa akin ni Aling Naina, "hindi ka ba manananghalian?"

"Babangon lang po ako," sagot ko.

"Matamlay ka ata," puna niya, "may sakit ka ba?"

"Puyat at pagod lang siguro ito," saad ko.

"Sana yun lang," saad niya, "paano kung may laman na yan?" ngumuso siya para ituro ang tiyan ko kaya agad akong napahawak sa sinapupunan ko.

"Sana nga meron na," bumuntong hininga ako.

"Oh, bakit pa rang hindi ka excited?" pumasok siya sa silid saka umupo sa gilid ng kama, "may problema ba?"

Umiling ako, "nag-alala lang ako," saad ko, "hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Mago kung sakaling malaman niyang buntis ako."

"Naku, yun ba?" natatawa niyang saad, "siguradong matutuwa yun."

"Tingin niyo po?" inosente kong tanong.

"Sino ba namang asawa ang hindi magiging masaya kung nagbunga na ang pagmamahalan ninyo?" magiliw niyang saad.

Napayuko ako saka tinignan ang tiyan ko. Sana nga tama ang ginagawa ko. Kung sakaling buntis ako, sana ang anghel sa sinapupunan ko ang magiging daan upang mahalin ako ulit ni Mago. Sana ang munting anghel namin ang siyang bubura sa mapait niyang nakaraan.

"Mahal ka niya," naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Aling Naina sa kamay ko na nakahawak sa tiyan ko.

"Huh?" binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

"Yun ang iniisip mo di ba?" saad niya, "yan ang dahilan kung bakit takot kang mabuntis?"

"Hindi ako takot mabuntis," saad ko, "takot akong magbuntis na walang mag-aalaga."

"Tingin ko," ngumiti siya sa akin, "hindi uulitin ni Mago ang nangyari sa mag-ina niya dati."

"Paano kung mali tayo?" naiiyak kong tanong, "paano kung sa halip na mapabuti ay mapasama pa."

"Mahal ka ni Mago," tinap niya ang balikat ko.

Bagsak ang balikat kong lumingon sa cellphone ko saka sinabing, "Kina Janine po ako manananghalian, Aling Naina."

"Sigurado ka?" tanong niya.

"Sigurado po," agad kong sagot.

Nakita kong naghihintay si Janine sa mesa nang dumating ako sa bahay nila. May bahid na pag-alala ang tingin niya sa akin habang di ko rin naman maitago sa kanya ang tunay na dahilan ng aking pagdating.

"Budz," agad ko siyang niyakap, "natatakot ako."

"Yan naman kasi ang sinasabi namin ni Pat eh," nahihirapan siyang magsalita, "Budz, sumuko ka na."

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon