Breaking 4 - Crying Over the Spilled Milk

326K 5.7K 202
                                    

Please like the Adonis Series Fanpage on facebook at   https://www.facebook.com/AdonisSeries?fref=ts

 *Arlene’s POV*

Alam mo bang laking pasalamat ko na nakilala kita,” panimula niya na agad namang nagpaka-kaba sa akin, ”ang dami kasing hindi nakakaintindi sa akin, eh” eto na siguro ang sinasabi ni Pat sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil ito.

G-ganun ba?” nauutal kong sabi habang damang-dama ko ang malalakas na kabog ng dibdib ko.

I need someone right now,” sabi niya.

This is it! He is making a move at kailangan ko nang makawala bago ko pa maisuko ang bataan, ”Huh? Ah-eh. T-tara Mago, punta tayo ng chapel. Ipagdarasal natin ang pinagdaanan mo.”

What?!” halatang nagulat siya sa sinabi ko kaya nataranta akong nagpaliwanag, ”huh? D-di ba may problema ka? Eh di ipagdasal natin.”

Akala ko makakawala ako pero bigla na lang niyang hinawakan ang sentido niya at mukhang hinihilot pa niya ito, ”nahihilo ako.”

Huh? Bakit? I mean, napano ka?” nag-alala akong lumapit.

Naparami siguro ang inum ko kanina,” ano daw? Absent ba ’to sa wine testing subject namin at bakit ang dalli niyang malasing? Ang alam ko mas naparami ang inum ko kaysa kanya pero bakit siya nahihilo?

pwedi mo ba akong ihatid sa kama?” pagsusumamo niya na hindi ko naman matanggihan, ”S-sige.”

Sinuportahan ko siyang makalakad hanggang makapasok na kami ng cottage pero dahil sa sobrang bigat niya ay natumba kami kung kaya’t nadaganan niya ako. Naghuramentado ang puso ko habang nakahiga ako sa pagitan ng dalawa niya braso.  Nakita ko ang nagliliyab niyang mga mata habang mula sa pagtitig sa aking mga mata ay bumaba ang tingin niya sa aking mga labi.

Napalunok ako sa napakaseksi niyang gesture nu yun pero para hindi mahalata, tinangka kong ngumiti sa kanya.  Akala ko ganun lang ang mangyayari pero bumaba ang ulo niya at pinagdampi ang mga labi niya sa mga labi ko.

Waaah! Ito ba yung sinasabing halik? Ano ba ang gagawin ko? Hindi ko alam kung ibubuka ko ba ang bibig ko o hahayaan ko muna siyang kinakagat-kagat at sinisipsip nag labi ko.  Nakalimutan ko kasing tanungin kay Patricia kung paano yun gagawin.  Eh di ba nga step six pa yung kiss? Hindi ko naman akalaing mapapasabak ako agad sa ganito.

I-is that your first kiss?” bahagya siyang lumayo sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa asal ko. Bakit? Di ba yun ang gusto ng mga lalaki? Di ba gusto nila sila ang nakauna? Nahihiya akong tumango pero nagulat ako nang mapamura siya at tumayo.  WHAT DID I DO?

M-mago, bakit?” nataranta akong sumunod sa kanya.  Nagalit ba siya dahil hindi ako tumugon sa halik niya? Hindi naman kasi ako marunong pero pwede ko namang pag-aralan, di ba?

I-i’m sorry,” binuksan ko niya ang pinto, ”I think I should walk you to your room.”

*Mago’s POV*

Andito na tayo,” saad niya habang tinangkang buksan ang pinto ng kwarto niya, ”Thanks for the night.”

Pinihit niya ang pinto at nang hindi niya ito mabuksan, nahiya siyang ngumiti sa akin, “Oo nga pala, sina Janine at Patricia ang may dala sa hotel card kaya hindi ako pumasok,” napansin ko ang buntong hininga niya saka  magsalita, “mauna ka na, dito ko na lang silan hihintayin” saad niya at umupo sa gilid ng  pinto.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon