Breaking 15 - Miss the Boat

226K 4.5K 330
                                    

*Arlene's POV*

Kanina pa akong balisa dahil sa antipasyong ilang sandali na lang ay lalabas na si Mago. Kanina ko pa pinipikit ang mga mata ko pero hindi talaga ako makatulog. Kasama ng sobrang kaba ang kakaibang pakiramdam sa tiyan ko, yung tipong parang hinihila ito pababa na parang natatae o naiihi ako. Hindi ko alam kung bakit ako sumunod sa utos ni Patricia pero sana tama ang desisyon ko.

Nang marinig kong nahinto na ang pagpatak ng tubig mula sa shower, agad akong tumalon sa kama at nagtabon ng kumot.

'Maunawaing Diyos, kayo na po ang bahala,' bulong ko sa sarili ko habang mariing ipinikit ang mga mata.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kabilang parte ng kama. Ang tahimik ng paligid kaya mas lalo akong kinabahan. Sana hindi ko na lang sinunod si Patricia. Baka kasi mali itong ginagawa ko.

"A-arlene?" nauutal niyang tawag sa akin. Teka, nauutal talaga?

Narinig ko siyang tumikhim saka ko naramdaman ang paggalaw niya palapit sa likod ko. Nakiramdam ako at hinahanda ang sarili sa posibleng pagdampi ng katawan niya sa katawan ko, "Arlene?"

'Ayokong sumagot, tulog ako,' pangumbinsi ko sa sarili ko.

"Arlene, don't you dare sleep on me again," saad niya in a husky voice.

'Waah! Maawaing Birheng Maria patnubayan niyo po ako. Boses pa lang niya parang nawawala na ako,' sa isip ko habang hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa kumot.

"Hindi ko na kakayanin ang pangalawang pagkakataong tutulogan mo ako," naramdaman ko ang paglapit niya, "mapipilitan akong halayin ka," napamulat ang mga mata ko at agad na bumalikwas kasama ang kumot na nakatapis sa akin.

"Mago!" sigaw ko, "may usapan tayo!"

"Hahaha!" narinig kong tawa niya, "Sinasabi ko na nga bang hindi ka tulog, eh," napahiya ako sa sinabi niya.

Tumayo siya at nilapitan ako kaya napaatras ako hanggang sa napasandal na ako sa pader. Ngumiti siya ng pilyo saka niya ako ikinulong sa pagitan ng kanyang mga kamay.

"This is what you want, right?" sabi niya sabay ng mapang-akit niyang titig habang inilandas niya ang kanyang daliri mula sa braso ko papuntang balikat ko. Napalunok ako dahil bigla nalang nagtubig ang bibig ko na para bang nakakita ako ng hilaw na mangga. Naramdaman ko rin ang kakaibang kiliti na namuo mula sa batok ko.

'Diyos ko, patawarin niyo po ako sa gagawin ko,' bulong ko sa sarili ko saka ko siya tinulak papuntang kama at tumakbo papuntang banyo. Narinig ko siyang tumawa ng malakas at bago ako nakapasok sa banyo, narinig ko ang huling sinabi niya, "As aka pang gagalawin kita? Ikaw mismo ang mag-aalay ng katawan mo sa akin."

Nainis ako kaya hinarap ko siya bago ko sinara ang pintuan ng banyo, "Asa ka pang iaalay ko ang sarili ko sayo! Hindi ka ganun ka appealing!"

"You can't survive me, Arlene," saad niya habang prenteng humiga sa kama, "nasa sa'yo kung pipiliin mong titigan lang ang katawan buong gabi o magkulong diyan sa banyo at hindi makatulog."

Isinara ko ang pinto ng banyo saka idinial ang numero ni Patricia.

"Pat," agad sabi nang marinig kong sinagot ni Patricia ang tawag ko.

"Oh? Kumusta?" sagot niya.

"Napahiya ako," sumbong ko, "he tried to seduce me kaya nung nataranta ako, pinagtawanan niya ako."

"Eh bakit naman kasi isang man of seduction ang napili mo. Natural! Magaling yan sa pang-aakit, pero saan ka ba ngayon?" tumatawang saad ni Patricia.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon