Breaking 11 - Linger

278K 4.3K 239
                                    


"But I'm in so deep. You know I'm such a fool for you.

You got me wrapped around your finger, ah, ha, ha.

Do you have to let it linger? Do you have to, do you have to,

Do you have to let it linger?"

-          Cranberries, "Linger"


*Mago's POV*

Napasalampak ako sa manibela matapos siyang bumaba ng sasakyan.  What was I thinking? Mula noong nabansagan akong casanova, ngayon lang ako nagyaya sa isang babae na makitira sa condo ko.  Torture 'to! Hindi lang kasi yun ang problema, napagkasunduan pa naming walang sex involve.  I know myself too well, hindi ko yun matitiis.

'Why her?' tanong ko sa sarili ko.  Hinilig ko ang likod ko sa upuan saka pinikit ang aking mga mata.  Bakit ako natitinag sa presensya niya? Bakit kaya kong baluktotin ang mga patakaran ko sa buhay para sa kanya?

'She is special but it does not mean I am falling for her,' pangungumbinsi ko sarili, 'I can't fall for her.'

Hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang naalala, si Ailene Mercado.  Napakuyom ako at agad namuo ang galit ko sa puso.  Hindi ito maaari.  Hindi ako pwedeng matinag ng kahit sinong babae.  Hindi na mauulit ang minsang nagging tanga ako.


*flashback*

"Wow pare, seryoso ka na ba diyan?" kantiyaw ni Kaz, "talagang nag-eeffort ka talaga."

"Hayaan mo na nga yang si Mago," saad ni Stuart, "umiibig yan kaya huwag mong guluhin."

"Palibhasa in-love ka rin kaya ganyan ang reaksyon mo," pangungulit ni Kaz.

"Palibhasa isip bata ka kaya hindi mo kami naiintindihan!" balik ko sa kanya.

"Eh? Problema ko ba yun kung wala akong nagugustohan?" sagot naman ni Kaz.

"Oh Pare!" sabat naman ni Marco, "ano yan?" tanong niya habang nakaakbay sa malandi niyang girlfriend na si Leigh Jean.

"Pinaghahandaan niya ang third monthsary ni Ailene," paliwanag ni Kaz.

"Really? Umabot na pala kayo ng three months hindi ka man lang naka-score," tinawanan ako ni Leigh.

"Ibahin mo si Ailene, Leigh," matabang kong saad, "she is not like you."

"I am just saying that you missed the fun, right baby?" sabi niya saka nakipaghalikan kay Marco.  Hindi na bago sa amin ang eksena.  Alam ng buong barkada kung gaano ka liberated si Leigh.  She could practically make love with Marco in front of us.

"Wohowow! Get a room!" reklamo ni Angelo.

"Oh come on Angelo," gikgik ni Leigh, "naiinggit ka ba?"

"I just happen to know the word, respect," sagot ni Angelo.

"Pagpasensiyahan mo na lang yan si Angelo," hinapit ni Marco si Leigh, "protective lang yan sa kapatid niya kaya hindi nasanay."

Hindi ko na pinansin ang pinag-usapan ng grupo dahil nakita ko nang parating si Ailene sa gymnasium. Agad kong hinanda ang sarili saka ko kinuha ang bouquet of chocolates at ang teddy bear.

"Gusto mong samahan na kita?" tanong ni Marco.

"Huwag na," ngumiti ako sa kanya, "kaya ko na 'to."

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon