Bliss 1 - The Dilemma

261K 4.3K 328
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Arlene's POV*

Halatang antok pa si Dessa nang buksan niya ang pinto ng kanyang apartment, "ihanda mo na mga gamit mo. Aalis na tayo."

"Huh?" napakamot siya sa batok.

"Tumawag ang boss ko sa Singapore. Ngayon na tayo aalis para sa training na sinasabi ko sayo," saad ko.

"Ngayon kaagad?" para siyang tangang sinundan ako ng tingin habang papasok ako ng apartment niya, "wala namang sinabi si boss Mago sa akin ah."

"Hindi niya alam ang tungkol dito," saad ko.

"So magpapaalam ako?" saad niya habang kinapa ang kanyang cellphone sa bulsa.

"Huwag!" pinigilan ko siyang ilabas ang cellphone niya, "huwag mo muna siyang tawagan."

"Arlene?" napakunot ang noo niya, "may nangyayari bang hindi ko alam?"

"Buntis ako," nanginginig ang boses ko, "and he does not want a baby."

"Na naman?!" may halong inis sa boses niya, "pinalagpas ko ang nangyari kay Ailene pero not this time! Wala kang nagawang kasalanan para tratohin ka ng ganito."

"Sshh," inikot ko ang paningin ko sa buong apartment, "baka marinig ka ng mga kuya mo."

"Kasamang nagtatago si Kuya Dee-vyn si Semira sa isang lugar na hindi ko pwedeng sabihin habang pinaprocess naman ni kuya Dee-lan ang application niya papuntang Europe," paliwanag ni Dessa, "kaya tayo lang ang nandito."

"Nagugulohan ako," napasapo ako sa noo, "hindi ko alam kung tama ba ang lumayas, ang lumayo, ang takasan siya."

"Arlene," pinaharap niya ako sa kanya, "aalis ka dahil mas madaling umalis kaysa ipaglaban ang isang bagay na wala ka namang hawak."

Tumango ako, "aalis tayo."

"Oo," mariin niyang sagot, "aalis tayo at bubuhayin natin ang batang nasa sinapupunan mo."

"Natatakot ako," hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko, "sana tama itong gagawin natin."

"Andito lang ako," niyakap niya ako, "hindi mo ba sasabihin sa mga kaibigan mo ang tungkol sa pag-alis mo?"

"Hindi na," umiling ako, "the last time na napag-usapan namin ang tungkol sa paglayo, tumutol si Janine at nung huling umalis ako at kasama ko sana si Patricia, naharang ang pag-alis namin dahil ginawan ng paraan ni Stuart na hindi kami makaalis at tingin ko, sinabi ni Janine kay Stuart ang tungkol sa balak naming pag-alis nung oras na yun."

"Pero malalaman din ni boss Mago," saad niya.

Umiling ako saka ko sinabing, "ang alam niya sa Singapore ang training. Hindi niya alam na nilipat ng kompanya ang training sa Japan."

"So sa Japan ang punta natin?" tanong niya.

"Oo, sa Japan tayo," kinakabahan kong saad.

Walang imik siyang pumasok ng kwarto saka nagligpit ng gamit habang pabalik-balik naman akong naglakad sa loob ng salas. Kinakabahan kasi ako. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang gusto kong mangyari. Gusto kong habulin ako ni Mago, pero paano kung habulin niya ako para ipalaglag ang bata? Kaya gusto ko na ring makalayo pero paano kung sa paglayo ay mas lalong mawalan ako ng pag-asang ayusin ang mga buhay namin?

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon