Bliss 11 - Draining All Possibilities

219K 3.7K 224
                                    


*Arlene's POV*

Kalalabas ko lang ng banyo nang makita kong umiilaw ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha upang masagot ang tumawag.

"Hello?" saad ko.

"Arlene, si Patricia 'to," saad ng nasa kabilang linya, "may naisip na akong pwede nating ipagawang pagpapahirap kay Mago."

"Ano yun?" kunot noo kong tanong.

"Considering that Mago is trying to prove na nagbago na talaga siya," naiimagine ko ang pilyong ngiti ni Patricia, "I just thought, what if we test how much he is willing to change for you?"

"What do you mean?" nagugulohan kong tanong.

"It's like this," saad ni Patricia, "magpapain tayo ng babaeng aakit sa kanya and he has to resist her at all cost."

"Sino naman ang ipapain natin?" tanong ko.

"I know some sexy and irresistible girls na pwede nating pakiusapan, Semira can be one of our choice," saad ni Patricia.

"Sem is on Mago's side. Baka hindi niya gagawin yun," saad ko.

"Well," bahagyang natahimik si Patricia, "why don't we try Sapphire yung pinsan ni Leigh Jean? Yung kilalang blogger na ex-girlfriend ni Marco. Ang alam ko Sapphire and Mago has been friends with benefits."

"No," agad kong nabitawan ang sagot ko na sa isip ko lang sana sinabi, "I mean Sapphire and Leigh Jean were known nymphomaniacs, they may take advantage of the situation."

"Oo nga naman pala. How about Tamara Alejandro?" suhestiyon ni Patricia.

" Yung kaibigan ni Rubi? Bata pa yun at saka baka mapano pa siya," saad ko.

"Yeah right, baka nga matablan ng kalibogan yang asawa mo mapahamak pa si Tamara," saad ni Patricia, "why don't we hire a stripper?" excited na saad ni Patricia, "naalala mo yung dating trabaho ko? May mga dati akong mga kasamahan na nagstristrip sa mga private shows nila."

"S-sigurado ka ba?" hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa sinabi ni Patricia.

"Do you like him to prove something or not?" balik tanong niya sa akin.

"S-sige," mahina kong sagot.

"To make it more intense, gusto ko mangyari yan sa bar. Let's set up a hidden camera in the VIP KTV room ng bar niyo," suhestiyon ni Patricia.

"Sige," saad ko, "that will be the second sign I will ask and it shall be done tomorrow."

Hindi ako sigurado kung tama ang gagawin ko pero aaminin kong nais ko ring makita kung paano pipilitin ni Mago na magpigil para lang mapatunayan niya sa akin na hindi na siya magloloko. Hihiga na sana ako pagkatapos ng usapan namin ni Patricia pero narinig ko ang napakalakas na tugtog sa labas. Alam kong isa ito sa mga binabalak na gawin ni Mago pero hindi ko mapigilan ang sarili. Something about the music that pulled me towards it kaya namalayan ko na lang na nakatayo na pala ako sa may hagdanan habang nakatingin kay Mago na ngayon ay nakatayo sa gitna ng salas habang hawak ang isang long stemmed red rose.

Hindi ko rin naman maipagkakailang napahanga ako sa bilis ng kilos ni Mago. Alam kong sandali lang ako sa shower pero sa sandaling iyon, nagawan ni Mago ng paraan para gawing romantic ang setting ng buong bahay. Napansing ko ang mga rose petals na ginawang pathway patungo sa kinaroroonan. Wala sana akong balak na lapitan siya pero nag-iba ang musika at tinugtog nito ang isa sa mga paborito kong kanta ni John Legend, ang "All of Me." (pakinggan niyo ang song conver ng OP ni Mago)

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon