Bliss 15 - Nothing Can Stop Us Now

246K 3.3K 329
                                    

*Arlene's POV*

Excited na umupo sa tabi ko si Semira, "handa na sila," galak na saad niya.

"Mukhang mas excited ka pa kaysa kay Arlene," natatawang saad ni Janine.

"Malalaman niyo kung bakit," kinikilig na saad ni Semira.

"Semira ha," kunwari nagbabanta si Patricia, "huwag na huwag mong ipapahiya ang asawa ko. Kayo pa lang ni Mago ang nagpapapayag sa kanya na sumayaw."

"Hayaan mo na, Patricia," saad ko, "eh kahit ako nga, hindi ko naiisip ang hitsura ng asawa ko kapag sumasayaw ito."

"Teka," tinap ni Janine ni Semira, "sabi ng asawa ko ginaya daw nila yung sulat ni Vampiremims, isa lang naman ang naalala kong eksena na sumasayaw ang mga lalaki sa mga stories ni Vampiremims eh. Talaga bang yun lang ang susuotin nila?"

"Halaka! Ano yang pinagsasabi mo?" gulat na saad ni Patricia.

"Huwag ka nang pumalag, Pat," mataray na saad ni Semira, "si sarhento lang naman ang tititigan ko."

"Totoo?" nagulat ako sa narinig ko, "kasamang sasayaw si Dee-vyn?"

"Oo," proud na saad ni Semira.

"Ang seryoso at walang bahid na kasweetan na si Dee-vyn Serge Valderama sasaling sasayaw?" gulat ding napatanong si Patricia.

"Paano niyo siya napilit?" hindi ako makapaniwalang napapayag ng asawa ko si Dee-vyn na sumayaw kasama nila.

"Alang-alang sa kapatid niya," itinaas ni Semira ang isang kilay niya, "kailangan niyang sumunod sa gusto ni Mago."

"Oo nga pala," bahagya akong nalungkot nang maalala ko ang paglayas nina Dessa at Quinn.

"Bakit?" napatanong si Janine, "ano naman ang magagawa ni Mago upang matagpuan ni Dee-vyn ang kapatid niya?"

"Si Mago ang nagpapasweldo sa dalawa," sagot ko, "kaya pwede niyang mapapatrace sa bangko kung sakaling gagawa ng transaksyon ang dalawa sa pamamagitan ng mga ATM nila."

"Ang galing," napabulong sa sarili si Janine, "buti naisip ni Mago yun."

"Ideya yan ni Semira," sagot ko.

"Talaga?" napatingin si Patricia kay Semira, "alam mo, Semira, minsan naiisip kong nagpapanggap ka lang na walang pinag-aralan. Ang galing mong mag-isip eh."

"Kalokohan lang ang mga alam ko," natatawang saad ni Semira pero lihim din akong sumasang-ayon kay Janine. May kakaiba kay Semira. Marami siyang alam na basta-basta lang lumalabas sa bibig niya. Pakiramdam ko, marami siyang nililihim. Pakiramdam ko, tinatago niya ang tunay niyang pagkatao sa amin.

"Pero seryoso," pag-iiba ni Janine ng paksa, "yun talaga susuotin nila?"

"Na-curious na tuloy ako," hindi ko naitago ang nararamdaman ko, "ano ba ang susuotin nila?"

"Hahaha," napatawa ng malakas si Semira, "panoorin niyo na lang."

Agad naman kaming natahimik nang bumaba na ang mga kapares namen mula sa ikalawang palapag ng bahay namin. Nasa salas kasi kami habang sa kwarto naman namin ni Mago naghahanda ang mga lalaki. Nakangiti kaming nakatingin sa kanila habang hindi ko naman lubos maisip kung ano ang suot nila sa ilalim ng raincoat nila.

Pumwestong nakatalikod sina Marco, Stuart, Dee-vyn at Evo, ang pinsan ni Mago na umuwi sa Pilipinas dahil naging jilted groom ito sa London, habang nakaharap naman na nasa gitna naman si Mago. Hindi naman namin mapigilan ang aming pagtawa ng malakas nang marinig namin ang tugtog ng sayaw nila, "Nobody, nobody but you" by Wondergirls.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon