Bliss 5 - Mago Moves

318K 4.5K 429
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group ()


*Mago's POV*

Sinigurado kong maayos ang lahat sa bahay para sa pagdating ni Arlene. Hinanda ko na rin ang isang guest room para doon tutuloy si Dessa. Pinalitan ko na rin ng single bed ang kama doon upang masiguradong hindi pipiliin ni Arlene na tumabi sa kanya. Nagkataon namang nasunog ang tinitirhang boarding house ni Quinn kaya pinagamit ko kay Quinn ang isang guest room.

Natuwa naman ako sa suhestiyon ni Nanay Naina na ihanda ang isang kwarto para sa baby namin at sinigurado kong crib lang at gamit ng bata ang nandun kaya hindi mapag-isipan ni Arlene na doon tutuloy.

"Excited ka ata, anak," malumanay na saad ni nanay.

"Susunduin ko kasi ang mag-ina ko," nakangiti kong saad.

"Handa ka na ba sa panliligaw mo?" tuksong saad ni nanay.

"Hinanda ko na yung mga suhestiyon mo," napakamot ako sa ulo, "hindi ko nga alam kung tama ba ang mga ginagawa ko. First time ko kasing manligaw."

"Kaya mo yan," natatawang saad ni nanay, "nakabuo na nga kayo, di ba?"

"Iba naman po yun," namaywang ako habang hinihilot batok ko, "siyempre marahas ako sa kanya dati saka napipilit ko siya. Iba na po ngayon. Hindi ko na kayang makitang naghihirap siya."

"Mahal mo kasi," tapik ni nanay sa balikat ko, "pero mahal ka rin nun. Napagod nga lang pero hindi naman ganun kadaling mawala ang nararamdaman niya para sayo lalo na ngayon na may anak na kayo."

"Hindi kaya niya ako pagtawanan sa mga gagawin ko?" nag-alala kong tanong sa kanya.

"Bakit ka naman pagtatawanan?" nagkibit balikat si nanay, "yan naman ang tama di ba?"

"Pero makalumang panliligaw kasi ang tinuturo mo sa akin," saad ko, "hindi kaya makokornihan siya?"

"Mas okay nga yan, anak," saad ni nanay, "nabuhay kasi kayo sa panahon ngayon na puro instant kaya hindi nasanay na paghirapan ang mga nais niyong makuha."

"Hindi naman po sa ganun pero pinaghihirapan naman yung pumili ka ng flowers at chocolates," namaywang ako.

"Instant pa rin yun," saad ni nanay, "iba talaga yung pinaghirapan mong gawin ang mga ibibgay mo sa kanya saka swerte ka nga eh, marunong kang magluto at mag-ayos ng bahay."

"Napag-aralan ko po tong lahat," saad ko habang inayos ang pagkalagay ng cupcakes sa stand nito, "Hotel and Restaurant Management po ang natapos ko."

"Kaya nga sabi ko maswerte ka kasi alam mong gawin yan kaya hindi ka masyadong nahihirapan," saad ni nanay.

"Boss Mago," napalingon kami kay Quinn, "ano pong gagawin ko sa mga ito?" tanong niya habang dala ang isang balde ng rosas.

"Ako na ang bahala dito," saad ni nanay, "ayusin mo na yang mga bulaklak at baka dumating na si Arlene."

"Sige po," saad ko saka tinanggal ang apron.

Paakyat ako ng hagdanan habang iniisip ko kung nakompleto ko na ba ang lahat. Nakapagluto na ako, naayos ko na mga tutuluyang kwarto at ngayon, aayusin ko na lang ang mga bulaklak na ito para sa romantic welcome. Napangiti ako habang ini-imagine ko ang ngiti niya kapag makita niya ang ginagawa ko. Kahit hindi muna siya magsalita, masilayan ko lang ang ngiti niya, ayos na ako.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon