Broken 10 - Seven Deadly Sins

230K 4.1K 285
                                    


www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

AN: Hindi ko akalaing aabot kaagad sa 200 votes at 150 comments ang previous chapter. Nakatulog kasi ako ng maaga kaya pasensiya na kung ngayon ko lang naipost ang pangako kong next chapter.

*Arlene's POV*

Kanina pa ako pabalik-balik ng pagsulyap sa imahe ko sa salamin habang nagmamaneho. Tumawag kasi si Dessa dahil pinapasabi daw ni Mago na papuntahin ako sa bar. Sobrang namiss ko na ang asawa ko kaya labis ang saya ko nang malaman kong pinapunta niya ako sa bar. Ayoko sanang mag-assume pero panghahawakan ko ang kahit anong maliit na pag-asa na meron ako.

"Dessa bakit?" tanong ko nang sinalubong ako ni Dessa sa main entrance ng bar.

"May mga taga-Lifestyle channel kasi," saad niya, "natunogan nila ang tungkol sa Gender War na event natin tuwing Sabado kaya pumarito sila upang magpaalam na i-feature nila ang event ngayong sabado."

"Magandang publicity yan," excited na saad ko, "so ano ang dahilan kung bakit ako pinapapunta dito?"

"Kailangan kasi nating gumawa ng plano para maging bongga ang Gender War ngayong sabado," paliwanag ni Dessa.

"Nasaan ba ang boss mo?" tanong ko.

"Nasa office niyo, hinihintay tayo," sagot ni Dessa.

Hindi na ako kumibo pero agad ko namang tinungo ang opisina namin. Akala ko magiging masaya ang pagkikita namin pero sumikip ang dibdib ko nang mapansin kong may lumabas na babae mula sa opisina namin. Magulo ang buhok nito habang nadungisan naman ng lipstick ang pisngi nito. Ayoko namang ipakitang apektado ako pero hindi ko mapigilan ang pamumuo ng luha ko sa mata. Kaya ba hindi siya umuuwi sa bahay ay dahil dito niya kinakama ang mga babae niya?

Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy sa paglakad. Nakasalubong ko ang babae sa may hagdanan at hindi ko maiwasang usisahin siya. Maganda, makapal ang eyeliner at mapula ang lipstick. Napakatamis naman ng amoy nito na animo'y pinaliguan ng candy. Hindi ko rin maiwasang sukatin sa mata kung gaano kaiksi ang suot nitong palda na animo'y naubusan ng tela. Nagkamali rin ata siya sa pagpili ng size ng kanyang bra dahil halos lumuluwa na ang mga bundok nito. Sa sumatutal, kaakit-akit nga ang babaeng ito. Hindi ko tuloy maiwasang mapayuko para sukatin ang sariling hinaharap para malaman ko kung may maipagmamalaki ba ako. Meron din naman akong cleavage kahit papano kaya taas noo akong nagpatuloy sa pagtungo sa opisina namin. Napahinto ako sa harap ng pintuan para huminga ng malalim saka naisipang tanggalin ang dalawang butones ng blusa ko para masilayan ni Mago na may cleavage din ako.

Naabutan kong walang polo ang asawa ko nang pumasok ako sa opisina. Nagpanggap ako na balewala lang ang lahat pero hindi nakawala sa paningin ko ang matipunong katawan ng asawa ko. Sinamantala ko ang pagiging busy niya sa pag-inom ng tubig kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga mata ko para hagurin ng titig ang kanyang matitigas na dibdib pababa sa malulutong na abs hanggang sa nabaling ito sa napakaseksi niyang V-line. Napakagat ako ng labi habang tinitigan ko ang V-line niya, ang mga tulo laway niyang mga guhit mula sa abs pababa na animo'y isang arrow na nakaturo sa kanyang pinagmamalaking bull's eye!

"Tatayo ka na lang ba diyan?" saad niya habang naglakad pabalik sa kanyang swivel chair.

"Baka kasi nakakaistorbo ako," kunwari cool lang ako kahit alam kong nag-iinit ang buong katawan ko sa magandang tanawin ng loob ng opisina.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon