Broken 4 - Close to the Edge

219K 3.3K 141
                                    


www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

AN: Kailangan ko po ang pag-unawa ng readers para sa mga Broken Chapters ng TWHB. Kailangan open-minded kayo at handa sa kung anuman ang mga mangyayari dito. Sa mga bata, gawaing mag-asawa po ang nandito... I DO NOT PROMOTE PMS, kaya huwag sana maging bad influence itong sulat kong ito.

*Arlene's POV*

Ilang oras akong nakipagtalo sa sarili kung lalapit ba ako sa kanya o ipagpalipas ko na lang muna. May bahagi ng utak ko na nagsasabing pumasok na ako sa kwarto. Galit siya. Masasaktan lang ako. Pero may bahagi naman sa akin ang nagsasabing harapin ko siya. Asawa niya ako. Kailangan niya ako. Huminga ako ng malalim habang mariing ipinikit ang mga mata. Walang mangyayari kung magtatago ako. Kung hindi ngayon, kelan pa? Ngayon man o bukas, masasaktan rin naman ako. Ngayon na lang. Nanginginig ang kamay kong bumaba sa hagdanan. Dahan-dahan. Pababa. Malakas ang kabog ng aking dibdib. Tahimik siyang umiinom ng alak. Kagat labi akong lumapit.

Napahinto ako nang bigla siyang lumingon sa gawi ko. Naramdaman ko ang sakit sa tingin niya. Nalasahan ko pait sa namumula niyang mata. Hindi ko man alam lahat ng nakaraan niya, sapat nang malaman kong ang ama ko at ang kinikilala kong ina ang isa sa dahilan kung bakit naging makulimlim ang kanyang nakaraan. Lumaki akong masaya. Nakagisnan ko ang isang kompletong pamilya samantalang may isa palang bata na nangungulila sa pagmamahal ng ina. Pakiramdam ko inagaw ko sa kanya ang kaligayahang iyon. Pakiramdam ko isa rin akong sanhi ng kanyang kalungkutan.

Matagal kaming nagtitigan. Hindi na kailangan ang mga salita upang maramdaman ko ang bigat ng aming sitwasyon. Pilit kong binabasa sa mga mata niya kung ano ang nais niyang sabihin pero blanko ito. Gusto ko siyang intindihin pero hindi ko alam kung saan ako lulugar. Mas lalo siyang naging misteryoso sa akin. Pero kahit alam kong sakit ang naghihintay, mas lalo akong hinihila palapit sa kanya.

Parang tumigil aking hininga nang biglang tumayo siya. Tumayo siya; ayokong umatras. Hindi ko alam kung sadyang bumagal ang oras o naging slow motion lang talaga ang paningin ko sa kanya. Hindi niya pinutol ang titig niya sa akin pero alam kong papalapit siya. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga kamay sa pisngi ko. Tinignan ko ang mga mata niya. Gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman niya pero nalunod ako sa presensiya niya. Biglang si Mago na ang hanging hinihinga ko, ang tubig na iniinom ko, ang dugong dumadaloy sa ugat ko, ang ilaw sa paningin ko. Biglang naging siya na lahat.

Inilapat niya ang mga labi niya sa mga labi ko. Mariin. Mapusok. Perpekto. Ang mga labi niya ang sagot sa bugtong ng mga labi ko. Para itong sinadyang ginawa upang buohin ako. Nakapikit ako pero buhay na buhay ang buong sistema ko, alerto sa bawat galaw niya. Nagpunta ang isang kamay niya sa batok ko habang bumaba naman sa likod ko ang isa. Napahawak na rin ako sa balikat niya dahil para na akong matutumba.

Napaatras ako. Sumulong siya. Naramdaman ko ang paghagod ng kanyang kamay sa bewang ko. May suot pa ako niyan, ano na lang kaya kung wala na. Pakiramdam ko ay nag-iiwan ng marka ang kamay niya sa bawat parte ng katawan ko na nahahawakan niya. Gusto kong tandaan ang mga parteng iyon. Patuloy sa pag-eskrima ang aming mga dila habang naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking mga hita, gigil pero maingat.

Nataranta ako nang biglang humiwalay ang mga labi niya sa mga labi ko. Hinihingal siyang isinandal ang ulo sa pader. Nararamdaman ko ang hanging lumalabas mula sa kanyang bibig. Nakasandal na rin sa pader ang mga kamay niya. Nakulong ako sa pagitan ng pader at ng katawan niya pero wala akong pakialam. Gusto ko ang nangyayari. Gusto kong ipagpatuloy niya ito. Pero ayokong gumalaw baka mamulat siya at mapaisip na hindi dapat ito nangyari.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon