Broken 9 - As it Goes

215K 4.5K 320
                                    


www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

AN: Kailangan ko po ang pag-unawa ng readers para sa mga Broken Chapters ng TWHB. Kailangan open-minded kayo at handa sa kung anuman ang mga mangyayari dito. Sa mga bata, gawaing mag-asawa po ang nandito... I DO NOT PROMOTE PMS, kaya huwag sana maging bad influence itong sulat kong ito.

*Mago's POV*

Mabibigat na hakbang ang ginawa ko habang naglakad patungo sa puntod ng aking ama. Matagal-tagal na rin akong hindi nakabisita dito dahil nagpapaalala lang ito ng madilim kong nakaraan. Pero dahil alam kong magiging busy ako sa darating na araw ng mga patay, ngayon ko na lang naisipang bumisita muli. Napahinto ako nang makita ko ang isang matandang babae na nakatayo sa harap ng puntod ng aking ama.

"Kilala mo ang ama ko?" tanong ko pagkatapos kong ilapag ang dala kong bulaklak.

"Mago?" halatang nagulat siya nang makita ako.

"Kilala niyo po ako?" kunot noo akong napatanong.

"P-pasensiya ka na," saad niya, "binisita ko lang ang dati kong amo."

"Hindi kita naalalang nagtrabaho sa amin dati," saad ko, "bakit mo ako kilala?"

"K-kapatid ko si Nana," sumikip ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalang iyon, "si Nana ang pumalit sa akin nung umalis ako sa bahay niyo. Baby ka pa nun pero ako ang nag-alaga sa'yo mula noong ipinanganak ka."

"Nasaan na si Nana?" hindi ko pinansin ang paliwanag niya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay malaman ko kung nasaan ang taong alam kong tunay na nagmamalasakit sa akin.

Yumuko siya saka nagpaliwanag, "hindi namin alam na buntis pala siya noong umuwi siya sa amin noon. Ayaw naman niyang sabihin kung bakit siya umalis sa inyo. Pero isang araw, nabahala kaming lahat dahil mataas ang lagnat niya at parang naninigas ang katawan. Huli na nang malaman naming nagkaroon siya ng tetanus buhat sa pagpapalaglag niya ng kanyang dinala."

Napakuyom ako sa narinig ko. Hindi ko maiwasang magalit sa ama ko. Pero lasing siya nung gabing iyon at hindi siya maglalasing kung hindi siya iniwan ng aking ina. Now it narrows down to her again. Ina ko na naman ang dahilan ng lahat. Hindi ko maisip kung paano siya nakakatulog at nakakakain sa gabi sa iisiping may mga taong naghirap dahil sa mga desisyon niya.

Napansin ko ang bahagyang paghihina ng matanda kaya agad ko siyang inalalayan.

"Pasensiya na anak," parang tumalon ang puso ko nang marinig ko ang tawag niya sa akin, first time ko kasing matawag ng anak.

"Maaga kasi akong bumiyahe kanina at dito ako dumiretso kaya siguro ako nanghina," pagpapatuloy niya.

"Kumain na ho ba kayo?" tanong ko.

"Sapat lang na pera ang dala ko," saad niya, "dumaan lang talaga ako dito sa sementeryo para dalawin ang ama mo.

"Bakit? Saan po ba kayo pupunta mula dito?" nagtanong ako ulit.

"Pupunta ako ng agency, mamamasukan ako bilang katulong," sagot niya.

"Mamamasukan ka sa kalagayan mong yan?" saad ko.

"Wala rin naman akong patutungohan. Ibinenta kasi namin ang kaunting lupain namin probinsya kaya wala na akong matitirahan," nakayuko niyang sagot.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon