Breaking 6 - Holding the Breath

294K 4.9K 351
                                    

WARNING: Some parts of the conversation requires Special Parental Guidance (SPG) so please be open-minded and read at your own risk.

Please like the Adonis Series Fanpage on facebook at   https://www.facebook.com/AdonisSeries?fref=ts

Or join the Adonis FB Group ----  https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/

*Arlene’s POV*

Para akong nawalan ng isang mahalang bagay matapos niya akong iniwan noong huli kaming magkita.  Nakakabaliw ang pag-iwas niya sa akin na para bang may sakit akong ketong.  Pero baliw na nga siguro ako dahil kahit alam kong hindi niya ako papansinin, pinili ko pa ring mag-on the job training sa bar niya.

Tanga ba ako? Siguro nga pero mapagsasabihan mo ba ang puso ko na huwag tumibok para sa kanya? Mauutosan mo ba ang utak ko na huwag siyang isipin? Mapapagalitan mo ba ang mga mata ko para hindi lumuha para sa kanya? Hindi di ba? Dahil kahit sabihin ng buong mundo na hindi siya ang karapat dapat para sa akin, siya pa rin ang sinisigaw nito. Kahit ilang beses niya akong ipagtulakan, sa huli, nakikita ko pa rin ang sarili ko na namamagnet sa kanya.

Nakikinig ka ba?” tanong ng isang staff na naka-assign sa counter.

I’m sorry,” sagot ko.

Hay naku, kung gusto mong malagpasan ang unang gabi mo rito, dapat matuto kang makinig.  Mahirap maging bartender dahil hindi mo lang kailangang intindihin ang mga lasing, kailangan mon ring talasan ang pandinig mo para hindi ka magkamali sa pagbigay ng inumin,” lagaslas niya.

I’m sorry Ma’am,” paghingi ko ng paumanhin.

Naku huwag mo akong i-Ma’am dahil wala akong karapatang tawaging Ma’am. Dessa na lang ang itawag mo sa akin,” mataray niyang saad, ”so eto na ha at kung sakaling makalimutan mo ang mga combination ng drinks, may kopya ako dito sa ibaba ng counter,” turo niya sa isang pirasong papel na nakadikit sa counter, ”At, Arlene?

Huh?” umangat ang tingin ko sa kanya.

Nasa bar tayo kaya kung pwede palitan mo yang lipstick mo,” lumapit siya sa akin, ”dapat mapulang lipstick ang ginamit mo. Maglagay ka rin ng eyeliner sa mata para magiging mukha kang fierce.  Mahirap na kung ganyan ang hitsura mo mamaya. Madaling mabastos ng mga lalaki ang mga pa-inosente effect.”

S-sige, may dala naman akong make-up,” sagot ko.

Alam mo maganda ka,” saad niya, ”sana lang hindi ka matulad sa ibang mga babaeng nag-OJTdito,” patuloy niyang sabi bago umalis.

Hi, I’m Quinn,” nagpakilala ang isang lalaking naglilinis sa counter.

Arlene,” saad ko.

Ipagpasensiyahan mo na lang ang katarayan ni Dessa, matagal na kasi yun dito,” paliwanag niya.

Matagal? Gaano katagal?” naging curious agad ako.

Hmm, dalawang taon.  Siya lang ata ang babaeng bartender na umabot ng ganun katagal dito.  Yung iba kasi hindi nagtatagal,” sabi niya.

Bakit naman?” kumuha na rin ako ng bimpo at pinunasan ang mga baso.

Nilalandi kasi ng may-ari ang mga babaeng bartenders dito at kapag kumagat, dapat marunong siyang makipaglaro  dahil kung hindi, uuwi siyang luhaan,” paliwanag niya.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon