Broken 21 - Run Baby Run

266K 4.6K 530
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

*Arlene's POV*

Mag-isa ako sa kama nang gumising ako kinabukasan dahil matapos umalis si Mago ay hindi na ito bumalik pa. Di naman ako nabahala kasi tumawag si Dessa at pinaalam sa akin na mag-isa itong pumasok sa private room niya sa bar. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong madiwang dahil inamin na ni Mago na gusto na niyang ayusin ang relasyon namin. Ito ang gusto kong mangyari. Ito ang matagal ko nang inaasam. Subalit nalulungkot ako dahil ayaw pa niyang magkaanak kami. It is not that I want to defy him pero mahigit isang buwan na akong hindi gumamit ng pills. Paano kung nagbunga ang gabi-gabi naming pagtatalik?

Naiintindihan ko ang asawa ko. He grew up in a cold environment. Kailanman hindi niya naranasan ang pagmamahal ng isang pamilya kaya hindi ko pwedeng ipilit sa kanya ang buohin agad ito. This is not his element at tama siya. Dapat matutunan muna niyang magmahal bago kami magkaanak. Napangiti ako sa iniisip ko. It won't be long at makakamit ko na rin ang inaasam kong pagmamahal niya.

Naisip ko na hindi na ako mag-aaksaya ng panahon. Konting tiis na lang at magbabago din lahat. Kakalimutan ko muna ang pagkakaroon ng baby. Ang importante ngayon, willing na siyang bigyan ang relasyon namin ng chance and I am not going to waste this chance.

Nagmadali akong bumangon at ininda ang konting hilo na nararamdaman ko. Marahil ito ay dahil sa napuyat ako sa kakaiyak kagabi pero hindi ito sapat na dahilan upang patagalin ko pa ang sama ng loob ni Mago sa akin. Pupuntahan ko siya sa bar at yayayaing samahan ako sa doktor. Gagawin ko ang gusto niya. If he does not want me to be pregnant then I will do it. Sabay naming ihanda ang aming mga sarili upang maging mabuti kaming magulang sa mga magiging anak namin.

Dahil maaga pa at wala pang traffic, agad kong narating ang bar. May susi ako sa bar kaya agad ko na itong pinasok. Hindi ko pinansin ang lakas ng kabog ng aking dibdib dahil mabilis kong tinungo ang opisina namin, kung saan nakarugtong ang private room niya pero hindi ko pa nga narating ang kalahati ng hagdanan ay napahinto ako.

"Oooooh," isang ungol na narinig ko, "I want more babe," isang babaeng nagsalita, "ang galing mo talagang magpaligaya ng babae."

Gumuho ang mundo ko kasabay ng pagpatak ng aking mga luha. Akala ko handa na siyang ayusin ang relasyon namin? Ganun na lang ba yun? Nang dahil lang sa hindi ako nakapaghintay, ibinaling na niya kaagad ang kanyang atensyon sa ibang babae.

'Rule number three,' naalala ko ang sinabi niya, 'dahil asawa kita, I expect you to satisfy me dahil kung hindi, hahanapin ko yan sa ibang babae.'

'Ito na ba yun?' hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha nang, "Aaaaaaaargghhh!" marinig ko ang tinig ng isang babae at isang lalaking umungol na animo'y naabot na nila ang sukdulan ng kanilang kaligayahan. Namanhid akong pumihit saka nagmading bumalik sa sasakyan ko. Wala sa isip ko itong pinaandar at mabilis na tinungo ang bahay namin.

Bahagya akong nahilo nang marating ko ang silid namin at nang maamoy ko ang niluto ni aling Naina ay biglang bumaliktad ang aking sikmura kaya nagmadali akong pumasok ng banyo. Walang laman ang isinuka ko kaya napatingin ako sa salamin.

'No!' naisip ko, 'hindi ito pwede.'

Agad kong tinungo ang bag na dala ko kahapon. Dahil sa nasabi sa akin ni aling Naina, naisipan kong dumaan sa pharmacy upang bumili ng pregnancy test kit. Sana simpleng masama lang ang pakiramdam ko. Huwag naman sana akong paglaruan ng tadhana.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon