Broken 16 - From Whisper to Scream

288K 4.5K 301
                                    


Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

AN: Alam ko pong mataas ang expectations niyo sa mga bed scenes sa story na ito pero nais ko lang pong humingi ng paumanhin kung sakaling hindi ko mabigyan ng hustisya ang imaheng sinasaad ko tungkol sa pagka-manwhore ni Mago dahil hindi po ako spg writer at hindi po ako sanay magsulat ng BS. Sana tanggapin niyo na lang po kung ano ang kaya kong isulat. Ang mahalaga po sa akin ay ang takbo ng kwento kaya huwag niyo sanang ipilit na isiwalat ko ang bawat detalye ng pagsisiping ng mag-asawa. I am a lover of art and literature, and I believe that leaving a space for imagination makes an art unique. I-enjoy niyo na lang po kung ano ang kaya kong isulat at kung sakaling nakulangan kayo, gumawa na lang po kayo ng spg fanfiction (hahaha). And drama ko... ito na po ang update.

*Arlene's POV*

Tinatamad akong bumangon dahil inaalala ko ang bawat detalye ng nangyari kagabi. It was both traumatic and fulfilling pero hindi ko pinagsisihan ang nangyari. Masakit man sa simula, kakaibang pakiramdam naman ang naranasan ko matapos humupa ang sakit. Inisip ko lang pakiramdam ko nag-iinit na ang katawan ko. Mabilis kong ipinikit ang aking mga mata nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng silid namin.

"Hija," nadismaya akong marinig ang tinig ni Aling Naina, "sabi ni Mago dito ka na lang daw mag-almusal."

Buntong hininga akong bumangon habang nakatakip naman ang kumot sa katawan ko.

"Luto niya yan," nakangiting pagmamalaki ni Aling Naina.

"Talaga po?" hindi ko rin mapigilan ang ngumiti.

"Oo," saad niya habang inilapag sa harap ko ang bed tray, "nagulat nga ako dahil ang aga niyang gumising tapos naabutan ko siyang pakanta-kantang nagluto ng almusal."

Napakagat naman ako ng labi nang buksan ko ang takip ng tray. Pilyo talaga ang asawa ko dahil pagkatapos yung nangyari kagabi, longganisa pa talaga at itlog ang inihanda niyang ulam.

"Hindi ba siya sasabay sa akin?" wala sa sarili kong tanong.

"Umalis," mahinang sagot ni Aling Naina, "natakot ata dahil sa sinabi ko."

"B-bakit po?" tumingin ako sa kanya, "ano pong sinabi mo sa kanya?"

"Sinabi ko sa kanya na mahal ka niya," saad ni Aling Naina, "alam ko kasing yun talaga ang totoong nararamdaman niya para sayo."

"Hindi naman niya pinaparamdam yun sa akin," disamayang saad ko.

"Arlene, ibahin mo si Mago," hinawakan niya ang kamay ko, "may bumabagabag sa kanyang nakaraan pero nakikita kong unti-unting lumalambot ang puso niya. Mahal ka niya; ayaw lang niyang aminin ito sa sarili niya."

"Ano ba sa tingin mo ang dapat kong gawin?" tanong ko.

"Punuin mo siya ng presensiya mo," saad niya, "hindi ka niya maiiwasan dahil nasa iisang bahay kayo at iisang lugar lang din ang pinagtatrabahuan niyo."

Sasagot pa sana ako ngunit biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ito ni Aling Naina saka inabot sa akin. Tinanggap ko naman ito at agad sinagot nang makita kong si Janine ang tumawag, "Budz."

"Budz, ano? Nangyari ba?" hindi ko maiwasang mapangiti sa narinig ko.

"Nangyari, Budz," sagot ko.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon