Breaking 12 - Taming the Wild Beast

271K 4.4K 189
                                    


*Arlene's POV*

Buong gabi akong hindi makatulog dahil sa kasunduang pinasok ko. Pagmamahal pa ba ito o isa nang kabaliwan? Natatakot ako. One day, too much information. Mas minahal ko siya ngayon. Mas lalo kong ginustong maging bahagi ng kanyang buhay. Pero natatakot ako dahil hindi ko alam kung hanggang kalian ko kayang pigilan ang sarili ko. Sa ngayon, pagnanasa niyang makuha ang katawan ko ang pinanhahawakan ko. Paano kung mawala ito? Paano kung isang araw mawala ang pagnanasang iyon? Kakayanin ko kaya?

Nalaman ko kagabi na aalis sina Janine at Marco papuntang Puerto Princessa. Nagsisimula na ang mga Adonis at natitiyak kong gumagawa na ng hakbang si Mago para makuha niya ang gusto niya sa akin. Kung ito ang magiging dahilan para mas mapalapit ako sa kanya, gagamitin ko ito hanggang sa masanay siya sa presensiya ko at nang hindi na niya makayanang mabuhay na wala ako.

"Arlene?" saad ng nagulat na mukhang bumukas ng pinto.

"I'm sorry kung hindi ako nakapagsabi na darating ako," nahihiyang kong sabi, "I-i just need someone to talk to."

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi. Bakit ba ako naiinis sa babaeng ito? Hindi ba dahil ang daming lalaking nagnanasang maging asawa niya pero nagtitiis siya sa isang Stuart Cordoval na kahit kailan ay hindi man lang siya pinahalagahan? O baka dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya pero ang pagkakaiba lang namin ay yung isipang isa siyang Queen Bee samantalang ako ay isang nobody.

"Ano ka ba, Arlene," hinila niya ako papasok sa condo nila ni Stuart, "mas okay nga na nandito ka, at least may totoong tao na akong makakausap."

"You mean hindi ka pa rin pinapansin ng asawa mo kahit kasal na kayo?" tanong ko.

"Apelyedo at address ko lang ang nagbago sa amin, other than that, I was simply a wife by the paper," malungkot niyang saad, "alam mo bang ginawa ko nang maghubad sa harap niya para akitin lang siya?"

"What?!" natakot ako sa sinabi niya. This could mean na natalo na ako.

"Pero wala eh," napalugmok siya sa sofa, "hindi ko alam kung bakla ba ang asawa ko o talagang wala siyang pananasa sa akin. Ako si Patricia Sandoval, sikat na lingerie model, kinilalang Queen Bee ng Temptresses, hinindian ng isang Stuart Cordoval."

"Huwag mo nang gawin ulit yun," wala sa sarili kong saad.

"No, I will never give up," determinado niyang saad saka niya nilabas ang isang handcuffs, "alam kong naaakit siya pero nagpipigil lang kaya mamaya, hahalayin ko siya."

"Yan ang huwag na huwag mong gagawin!" napatayo ako at kinuha sa kanya ang handcuffs.

"Hindi pa consumated ang kasal namin kaya siguro naman may karapatan akong ipilit yan sa asawa ko," saad ni Patricia.

"No, please," pagmamakaawa ko.

"Sabihin mo nga sa akin, Arlene," namaywang siya, "bakit ka biglang naging concern sa relasyon namin ni Stuart?"

"M-may kasunduan kami ni Mago," nahihiya kong saad.

"You made a deal with a manwhore?!" bahagyang tumaas ang kanyang boses saka napabalik-balik ng lakad habang hinihilot ng isang kamay ang kanyang sentido.

"I knew it!" inis niyang sabi, "mali talaga na nilapit kita sa kanya."

"Ginusto ko 'to, Patricia," saad ko.

"Ang alin? Ang maging isa sa mga babaeng paiiyakin lang ni Mago Concepcion? He won't even remember your name the moment he'll leave you lying on the bed," inirapan ako ni Patricia.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon